PROPOSAL 14

65 3 1
                                    

Surprise

Malaki, malawak, pangmayaman. Eskwelahang karamihan gustong pasukan kahit si Odette gustong gustong makapasok dito.

Zafero University is a prominent college for elites. Kompleto sila ng course. This is an international school. Maraming foreign exchange students dito. Nalaman ko lang iyon dahil kay Oddette.

Isa ito sa mga pinakagusto niyang pasukan pero dahil walang pera she settled herself in an affordable school

She really wish to study here.

"May scholarship program ba kayo rito?"

Zafer nod his head.

"Meron, pero pili lang. Usually we choose students with high grades." Tumango ako. Matataas ang grado ni Oddette kahit na working student siya. She knows how to manage her time in both studies and her small business. Banana Cue business.

Kaya nga Business Management Major in marketing ang kinuha niya. She's good in marketing. Hindi na ako magtataka kung isang araw yayaman siya. Masipag at pasensyosa kasi ang babaeng iyon.

"Bakit mo naitanong?"

"Hmm. Si Oddette. Pangarap niyang makapasok dito." Iba kasi talaga kapag nakapasok ka sa mas advance na eskwelahan. My benefits kang makukuha. Lalo na kung kilang kilala.

Napansin ko ang pag iwas ni Zafer ng tingin.

May sumasagi sa isip ko pero ayuko namang kompirmahin. Ayukong siyang pangunahan. Baka sasabihin niya naman kung gusto niya.

Oddette is beautiful and attractive. At dahil malakas ang karisma ni Oddette she use her beauty to gain customers. Kaya nga laging ubos yung banana cue niya. She sell banana cue not her body. Ilang beses ko na bang naririnig na may nag aalok sa kanya ng malaking pera maikama lang siya?

She declined those offers. Ibibigay niya lang daw ito sa tamang tao. And I believe her.

-

"Bakit ko nga pala kailangan ma tour itong school? Malayo pa ang pasukan a." Tanong ko kay Zafer.

"Gusto ni kuya na iienroll ka by october. Ayus lang naman sa'yo kahit octoberian ka diba?"

Tumango ako. Hindi importante kung octoberian o hindi. Ang importante nakakapag aral.

Isang buwan na lang ang hihintayin bago ang sembreak.

"Uuwi na ako. Aasikasuhin ko pa ang kuya mo." Hinarap akp ni Zafer. Biglang naging balisa si Zafer ng maglakad ako paalis.

"Mamaya na." Kinuha niya ang cellphone ng tumunog ito niya at binasa ang mensaheng natanggap.

He smiled while typing. Gusto kong silipin kung sino ang ka text niya pero magmimistula akong chismosa kapag ginawa ko iyon.

Muli naming nilibot ang school hanggang sa dumating ang hapon. Sa sobrang laki at lawak ng eskwelahan tiyak aabutin ka talaga ng siyam siyam.

"Pwede na ba akong umuwi? Hapon na yung kuya-"

"Masyado kang nag aalala kay kuya. Ayus lang siya sa bahay. Inaasikaso siya ni Nanay Rodora roon kaya huwag kang masyadong mag alala."

"Zafer, kanina pa tayo naglalakad, nalibot na natin ang buong eskwelahan gusto ko ng umuwi at magpahinga." Nayayamot kong saad. Totoo naman kasi. Nananakit na ang paa ko kakalakad.

He sigh. "Oo na sige na. Tapos na rin naman sila."

Kinunutan ko siya ng noo. What does he mean?

"Tapos saan?"

HIS PROPOSAL [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon