PROPOSAL 9

72 2 0
                                    

SESSION


I yawned and stretch my arms as I woke up. Kulang na kulang pa ang tulog ko. Kahit ilang araw na ako rito talagang namamahay pa ako. Idagdag pang ito ang kauna unahang pagkakataon na may katabi akong matulog. Tapos asawa ko pa. Ang awkward pa rin talaga kapag sinabi kong asawa. Naninibago pa rin ako.

"Finally, you're awake."

Napaigtad ako sa biglang nagsalita. Nang lingunin ko si Zach nakaupo na siya sa kama. Magkasalubong ang kilay niya at bahagyang nakakunot ang noo.

Muli akong naghikab at bumaba ng kama. Dumeretso ako ng banyo at hinanda ang bath tub. Naglagay ako ng bangkuan sa gitna. Mabuti na lamang at may balde itong banyo niya. Ganito ang ginagawa ko para komportable siyang makakaligo. Hinahanda ko lahat ng kakailanganin niya.

Naghanda rin ako ng tuwalya para sa kanya. Matapos maihanda ang paliguan  at maihanda ang mga kailangan sa pagligo niya ay muli akong lumabas.

Walang salita akong lumapit sa kanya at inalis ang nakatabing na kumot sa katawan niya. Pareho kaming walang imik. Hinayaan niya lang akong alalayan siya na makaupo sa wheel chair niya.

Nang magawa ang nais ay agad ko siyang hinatid sa banyo.

"Maghubad ka na, para mapaliguan kita." Saad ko. Pero hindi siya kumilos at nakatingin lang sa akin.. "Bakit?" taka ko siyang tiningnan.

Umiwas siya ng tingin. Hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng pisngi niya.

"Bilis na. Baka dumating na yung therapist."

Hindi pa rin siya kumilos.

Hindi ko alam pero ngayon ako nakaramdam ng inis.

"Kapag talaga di ka naghubad, iiwan kita rito. Sawang sawa na ako diyan sa ugali mo a. Pinipilit ko yung sarili kong pakisamahan ka ng maayus dahil may utang na loob ako sa'yo at sa mga kapatid mo. 'Pag ako talaga nagsawa kakaintindi sa'yo. Ewan ko na lang! Susuntukin na talaga kita."

Hingal na hingal ako matapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Maybe that was too much, pero hindi rin masama ang makipag cooperate sa akin. Kahit ang lamig niyang makitungo pinilit kong intindihin siya.

Nakatitig sa akin si Zacharius. Ilang beses din siyang lumunok.

"Maghubad ka. Paliliguan lang naman kita." Hindi siya kumilos. Pumikit ako at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang laylayan ng tshirt niya at deretso iyong hinubad sa katawan niya.

Muntik pa akong masamid ng tumambad sa harapan ko ang mga pandesal.

Mali yatang ako ang naghubad?

Tumikhim si Zach dahilan para maalis ang tingin ko sa kumakaway niyang pandesal.

"Paliguan mo sarili mo." Sambit ko at nagmadali akong lumabas ng banyo narinig ko pa ang mahina niyang oagtawa bago ako tiluyang nakalabas. Agad kong tinapon ang damit niya sa labahan.

"Hey, I thought you're going to bath me?" Sigaw niya mula sa loob. Isinandal ko ang likod ko sa pinto ng nakasaradong banyo.

"Hindi na pala. Kaya mo naman sigurong maligo. May tuwalya malapit sa'yo. Gamitin mo 'yan. Ihahanda ko lang pagkain mo." Sagot ko. I bit my lower lip when his abs was playing in my head repeatedly like a broken disc.

Bigla kong nakaramdam ng init.

"Hey, huwag mo akong iwan. I can't transfer to my wheelchair." Sigaw niya. Pero naiimagine kong nakangiti siya ngayon sa loob.

I groaned silently. "Oo na. Tawagin mo na lang ako kung tapos ka na."

Hindi na siya sumagot. Malamang ay nagsisimula na siyang maligo dahil naririnig ko ang tunog ng tubig.

HIS PROPOSAL [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon