Seven

36 0 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at parati kong nakaka-chat si Cof. Madalas siyang online, madalas din akong online kaya nagkakataong nagkakausap kami madalas.


 

Nagiging masyado na rin akong busy dahil palapit na ang finals namin. I need to focus. I need to get high grades before the semester ends. Kailangan may maipakita akong maganda sa dad at mom ko. I've always been a dean's lister kaya mas lalo akong pressured na galingan pa lalo.


 

Sa tatlong araw na 'yun, madalas kong napapansin ang pagiging mailap ni dad. Sigurado akong hindi lang ako ang nakakapansin nun. He seems very off these days. Parati siyang walang oras sa amin, not that he always has time even before pero mas malala ang pagiging busy niya. Aalis siya early in the morning at uuwi ng gabing-gabi na.


 

Today's a normal day. Nakatanggap ako ng text galing kay Cof.

"See you later?"


 

Oo nga pala, sasamahan ko siya mamaya sa exhibit ng kaibigan niya. 'Yung kaibigan daw kasi niya na 'to ay mahilig sa photography. Pinakita pa nga niya

sa akin ang isa sa mga litratong kuha ng kaibigan niya. Magaling nga naman.


 

Nagtipa ako ng reply sa kaniya at sinend ito.


 

Agad akong naligo at nag blower ng buhok. I am deciding if I'm going to cut my hair a little bit short at pakukulayan ko ito for the very first time. Winala ko rin ang ideyang iyon dahil ayokong ma-late sa usapan namin ni Cof.


 

Naghanap ako ng maisusuot. Ano kayang maganda? I've never been to an exhibit before. It's my first time actually. Pero sa mga napapanuod kong palabas, mukhang puwede akong magdress.


 

Naglabas ako ng isang white knee-length dress na bagay na bagay sa mala-porselana kong kutis na gawa pa ni Michael Cinco, na malapit na kaibigan ng aming pamilya. Pumili naman ako ng paborito kong white Jimmy Choo pointed heels para bumagay sa dress ko and a Chanel purse bag na binili ko noon pa sa Paris. Naglagay rin ako ng kaunting make-up at inayos ang buhok kong nakalugay into soft curls.


 

Lumabas ako ng kwarto at agad na tinignan ang cellphone ko kung nagtext si Cof. May nakita akong isang text na papunta na daw siya sa iL Centrio kung saan kami magkikita. Hindi siya puwedeng pumunta ng bahay dahil mainit ang dugo ng dad ko sa kanya. Baka makita pa siya kung sunduin niya ako dito.


 

Kumatok ako sa pintuan ni mom para magpaalam pero sabi ng kasambahay namin ay maaga daw itong umalis. Kaya bumaba na ako at tinawag ang driver ko.


 

Nagpahatid na kaagad ako sa driver namin patungo sa Teasome sa iL Centrio. Kinakabahan ako. Magugustuhan kaya ni Cof ang itsura ko? Mukha ba akong presentable? Buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Is it still normal? Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa tuwing makikita ko si Cof, na kailangan ay perpekto ang postura ko, pati ang pananamit ko at pananalita ko.


 

Oh my God! Why am I being like this?!


 

Nasa Kasibulan Village na kami nang tanungin ko ang driver kong si Mang Caloy.


 

"Mang Caloy, do I look good?" Natataranta kong sabi.

Crossing the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon