Nine

34 1 0
                                    

Nanlaki ang mata ko nang makitang naroon na sa loob si Winter at mainam akong tinititigan. God! Malamang ay nakita niya ang paghalik ni Cof sa pisngi ko.

"What?" Inosente kong tanong at agad na umupo sa upuan katabi ng kaniya.

Akala ko wala pa si Winter dahil masyado pang maaga para sa first class namin. Tatlo pa lang silang nasa classroom at isa na nga siya sa mga early birds na 'yon.

"I saw you two! Anong ibig sabihin non?" Naghihisterikal niyang tanong.

Alam ko nang aabot sa puntong magagalit na naman si Winter at papangaralan ako.

"Kung ano man 'yung nakita mo, e 'yon na 'yon." Irap ko at nagmartsa palabas ng classroom.

Masyado akong maaga at gusto ko munang kumain. Nagugutom ako. I want bacon!

"So you guys are f*cking official now, huh?"

Napairap na lang siya sa akin at sumunod din.

Ilang sermon pa ang natanggap ko bago kami makapasok sa cafeteria kung saan nakatambay ang ilan sa mga pinsan ko.

I saw Storm and Peek na pare-parehong nagngingitngitan sa kanilang table.

"What is wrong with you, boys?" Nairita ako nang makitang umagang-umaga e nambababae sila! Umupo kami ni Winter sa mga bakanteng upuan sa table nila at tinitigan ang babaeng tinitingnan nila.

"Goodness, Storm! Papasa itong 8.5 sa akin!" Tuwang-tuwang tugon ng manyak na si Peek kay Storm na natatawa na lang sa inaasal ng mga pinsan ko pero halatang naiinis sa kakulitan ni Peek.

Nakita ko si Marigold, iyong nakalaban dati ni Hope sa pageant na patungo sa table na kinauupuan ng mga pinsan ko ngayon. Mukhang siya ang natitipuhan ng mga ito ah?

Nairita ako sa kapal ng make-up niya at sobrang ikling palda na kita na halos ang suot niyang underwear.

"Hi!" Malanding bati nito. "Would you mind if I sit here with you guys?"

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Winter sa malanding ito.

Umupo na si Marigold sa katabing upuan ni Storm nang tumango-tango si Peek.

So she's into Storm, huh?

"Storm, why aren't you answering my calls?" Hinaplos pa nito ang braso ni Storm.

Napansin ko ang pagkairita niya dito.

"Magie, I told you I'm not interested!" Inis nitong baling kay Marigold.

"I'm not Magie! I'm Marigold!" Napatayo ito sa inis at tinalikuran kami.

She deserves it!

Tumawa ng malakas si Peek dahilan para mapalingon ang mga babaeng nasa kabilang table namin. Is he really laughing because of Marigold o nagpapapansin siya sa magandang babae sa katabi?

Naalala kong kailangan ko pa lang kumain kaya nandito ako. Tatayo na sana ako nang punahin ni Storm ang pagsusuot ko ng nerd glasses.

"What's with the glasses?" Napataas pa ang kilay nito. "Wait, namamaga ba ang mga mata mo?"

Tumawa ng malakas si Peek at napairap na lang ako dahil wala namang nakakatawa doon sa sinabi ni Storm.

"I just feel like wearing these. Bakit ba?"

Tumayo na ako at dumiretso sa cashier. Saktong pagbalik ko ay nag-aasaran sila.

"Hindi ka kumain sa inyo?" Usisa ni Peek.

"Wala akong gana kanina, e."

"Is it because of your parents? I heard nag-away daw sila?" Tanong ni Peek.

Crossing the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon