Kinaumagahan, agad akong naligo at nagbihis para pumasok sa eskwelahan.
Dean's lister ako at hindi 'yun dahil isa akong Chua. Hindi ko hinahayaang bayaran ng mga magulang ko ang professor ko para lang mabigyan ko sila ng magandang reputasyon. Nag-aaral ako ng mabuti dahil gusto ko, maging proud sila sa akin.
Agad akong bumaba at naabutan ko si dad na busyng-busy sa kausap niya sa telepono kaya hindi na ako nagpakita pa. Wala rin akong masasabi kapag kaharap ko siya dahil sa mga nalaman ko.
Nagmadali akong lumabas at sumakay sa Hi-Ace na nakahanda para sa akin. Nakita ko ang driver kong nagulat sa pagpasok ko sa van.
"Ma'am Jasmeen, h..hindi po ba nasabi sa inyo ni Sir Alfredo?" napataas ang kilay ko sa sinabi ng driver ko, si Mang Luis.
"Hindi ko pa siya nakausap. Ano daw yun?"
"Mag cab daw ho muna kayo, may pinapasundo ho kasi sa akin si Sir. Bukas pa po dadating ang bagong sasakyan na inorder niya para sa inyo."
What?
"Sinong pinasusundo sa'yo ni dad? Mas importante pa ba 'yun kaysa sa akin?!" tumaas na ang boses ko.
Naiinis ako! Hindi ako makapaniwalang hahayaan niya akong mag cab!
Bago pa makasalita ang driver ko, lumabas na ako ng van namin. At nagmadaling nagpatawag ng cab sa guard namin.
Umagang-umaga, sira na kaagad ang araw ko!
Nang dumating ang cab, naabutan ako ni dad sa labas. Ang bagal kasi nitong cab, naabutan pa tuloy! Akala ko may sasabihin pa siya sa'kin ngunit tumingin lang siya at tsaka ako nagmadaling sumakay ng cab.
Naiinis lang ako sa kanya lalo!
Naalala kong hindi pa pala ako kumakain ng umagahan kaya napagpasyahan kong hindi pumasok sa unang period namin. Wala rin naman kaming prof niyan, panigurado!
Kakain na lang muna ako, nagugutom ako!
Dumiretso ako sa cafeteria para maghanap ng masarap na pagkain. Good thing, wala gaanong mga estudyante dahil halos lahat ay nasa unang period ng klase nila.
I saw Storm and Peek. Nakatambay lang sila sa table sa gitna at nang makita ako ay kumaway agad sa akin.
"Hey." malamya kong bati sa kanila.
"Brokenhearted?" nang-iinis na tanong ni Peek sa'kin.
Sinuntok ko siya ng mahina na siyang nagpatawa sa dalawa.
"Nagugutom ako. I'm skipping my class this morning." umupo ako sa katapat nilang upuan at dinukdok ang mukha ko. "Treat mo 'ko, Peek, please!"
"Only child ni Alfredo at Elisa Chua, nagpapalibre?!" I smirked at what he said.
"Yeah, only child." sarkastiko akong tumawa at umirap sa kawalan nang maalala ang tungkol sa half sister ko.
Wala na ring nagawa si Peek at nilibre ako. Nauna na din sila sa mga klase nila at naiwan akong mag-isa sa cafeteria.
Kaya naman naisipan kong maglakad lakad muna at nang mapadaan ako sa parking lot ng university namin, nanliit ang mata ko nang makita ang sasakyan namin na Hi-Ace. 'Yun ang sasakyan na naghahatid sundo sa akin tuwing pumapasok.
Bakit andito si Mang Luis? Akala ko ba may pinapahatid si dad sa kanya?
Sinundan ko ang Hi-Ace hanggang sa tumigil ito sa pinakalikuran ng school which is ang dulong parking lot. Bakit parang tagong-tago naman mag park si Mang Luis?
Babaliwalain ko na sana ngunit may nakita akong lumabas sa sasakyan namin. Babaeng naka uniform din tulad ko.
At nagkakamali ako, hindi nagpark si Mang Luis. Sinadya niyang ibaba sa tagong bahagi ng parking lot ang babaeng 'yun at agad din siyang umalis.
Who is she?
Anak ba siya ni Mang Luis? Pero sa pagkakaalam ko, wala naman siyang anak.
Sinundan ko ang babaeng 'yun hanggang sa makapasok siya ng building. Accountancy ang course niya base sa building na pinasukan nito. Agad akong nagtago nang salubungin siya ng kaibigan niya. Binati siya nito na agad na nakapagpatigil ng tibok ng puso ko.
"Angelie."

BINABASA MO ANG
Crossing the Lines
Novela JuvenilAlam nang bawal, sumige pa. She crossed the line. Now she's out from the boundary where she's got no one but her punishment for that. 2 0 1 4 TheBbStories