Nakarating ako sa Robinsons Galleria in 30 minutes. Great. Walang traffic. Bumaba ako sa van namin at dumiretso sa mga boutique na madalas kong ubusin ang mga paninda.
Nakita kong tumatawag si mom kaya agad ko itong sinagot habang busy akong namimili ng dress sa pangwalong boutique na napuntahan ko ngayong araw na 'to.
"Yes, mom?"
"Jasmeen, nasaan ka? Tumawag ako sa bahay wala ka raw?" Tanong ni mom.
"I'm here in Galleria, mom. Nag ma-mall lang." Tamad kong sagot.
"I'm still here in Makati. Can you buy me the perfume I'm always using? I can't go to the mall today."
"Why? Is dad busy?" Tanong ko at agad na binayaran ang navy blue dress na nagustuhan ko.
"I just called your dad and he's busy."
"Alright." Sabi ko at binaba na nito ang tawag.
Tumatawag lang 'yon kapag may ibibilin o pagagalitan ako.
Lumabas na ako ng boutique na 'yon at naisipang maghanap ng coffee shop para mapagtambayan at makabili ng frappe. Nauuhaw na ako kanina pa!
Lumiko ako at nakita ang isa sa mga bodyguards ni dad na nakaabang sa labas ng isang mamahaling pambabaeng boutique.
So he's here? Ano namang sadya nito dito? At pambabae talaga ang boutique?
Nagmasid ako ng maigi at nakitang masayang-masaya si Angelie na lumabas doon with her paperbags na agad niyang pinaabot sa isa sa mga guwardiyang kasama niya. I waited for dad to come out but no signs of him!
Sinundan ko sila hanggang sa umakyat sila sa 4th floor malapit sa cinema house. Pumasok siya sa Starbucks at agad na yumakap kay dad na nag-aabang doon.
I knew it!
Hindi ko mapigil ang pagpula ng mga mata ko. I can't cry!
Nasa opisina pala ha! Nakipagkita lang pala sa babaeng 'yon!

BINABASA MO ANG
Crossing the Lines
Novela JuvenilAlam nang bawal, sumige pa. She crossed the line. Now she's out from the boundary where she's got no one but her punishment for that. 2 0 1 4 TheBbStories