Natigil ako sa aking pag-iyak nang mapansin ang nagtatanong na mga mukha ng mga pinsan ko.
"Sorry, I didn't know they're all here." Natatawang sabi ni Hope at inabutan ako ng tissue.
Agad akong nagpunas ng tissue at awkward na umayos sa pagkakaupo.
"What the f*ck happened?" Tanong ni Peek.
"Can you stop the dirty word?!" Singhal ni Hope sa kapatid na umirap din kaagad.
"Is it because of that a$$hole?!" Tanong ni Chips sa akin.
Kilala nga pala niya si Cof!
"You too, Chia Patricia! Stop cussing!" Panenermon ni Hope sa nakababatang kapatid.
Umirap lang si Chips kay Hope.
Nanatili ang titig sa akin ng mga pinsan ko na sinasabing hindi naliko ang topic at kailangan nila ng sagot.
"What happened, Jasmeen? Bakit ka umiiyak?" Mahinahong tanong ni Hope.
"May nagpaiyak ba sa'yo?!" Naghihisterikal na tanong ni Peek.
"Enough!" Saway ni Hope. "Let her talk first."
"You know the girl we saw at the cafeteria?" Tanong ko.
"I've seen hundreds of pretty girls in our school. Sino doon?" Nakataas pa ang kilay ni Peek nang itanong 'yon.
"What I mean is the one that Marigold bumped into!" Tinaas ko ang kilay ko sa kanila. "Remember her?"
"What about her?" Tanong ni Chips.
"Pinsan niyo siya."
Nalaglag ang panga ng mga pinsan ko na gulong-gulo sa mga sinasabi ko.
"P-pinsan namin? Namin lang? Eh ikaw hindi mo pinsan?" Nagtatakang tanong ni Peek.
"Coz she's my sister."
Masakit mang aminin pero iyon ang totoo. Hindi ko napaghandaan ang oras na 'to na aaminin ko sa mga pinsan kong may kapatid ako. Na may anak sa labas si dad. I don't honestly know what to say lalo na nang makita ko ang sari-sari nilang reaksyon.
"What. . . the. . . hell?!" Nahirapan pa itong bigkasin ni Peek sa narinig.
"Look guys. I didn't intend to tell this thing to you this soon but I don't have a choice-"
"Paano nangyari 'yon?!" Di makapaniwalang tanong ni Hope. Miski ako ay hindi ko rin alam.
"I don't know."
"Anong 'I don't know'? Ano 'yon iniluwa na lang basta-basta ng lupa, ganon?!"Naghihisterikal na tanong ni Hope. "Wait. Y-you mean anak ni tito Alfredo sa iba? Oh my God!" Napasinghap pa ito sa sinabi.
"Alam ni Angelie na kapatid mo siya? Na anak siya ni tito Alfredo?" Tanong ni Chips.
"Alam nila, actually. Matagal na nilang alam. That's why I'm so wrecked right now! Nagharap kami ni Angelie. She told me she wants to be accepted as a family member."
"At anong sinabi mo?" Tanong ni Chips.
Nag kibit balikat lang ako at lumabas na nang sasakyan nang mapansing nakarating na kami sa bahay nila.
I guess, tatambay muna ako dito.
Kalalabas pa lang namin ng sasakyan nang makarinig ng sigaw galing kay tita Claudette at tito Henry. Ang parents nila kuya Hack, Peek, Hope, at Chips.
Agad kaming pumasok at nagulat pa si tita Clau nang makita ako.
"Goodness, iha! Are you alright?! I heard what happened from Elisa!" Natataranta ang itsura nito at nalukot ang maamo nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Crossing the Lines
Teen FictionAlam nang bawal, sumige pa. She crossed the line. Now she's out from the boundary where she's got no one but her punishment for that. 2 0 1 4 TheBbStories