Eight

33 0 0
                                    

Chapter 8

Malaki ang ngisi ng lalaking maligayang kausap ni Angelie ngayon na agad din napalitan ng pagkagulat nang lingunin ako.

"J-jasmeen?"

Tumulo na parang gripo ang mga mata ko sa puntong iyon. Kitang-kita kung paano lumaki ang mga mata niya at halos manigas na kinatatayuan niya.

Hindi ko kinaya at agad akong lumabas ng exhibit na iyon at umiyak ng umiyak.

"Jasmeen! Hey, what's the matter?" Ala-alang tanong ni Cof nang makita ang wasak kong kalagayan.

Pinasok niya ako sa sasakyan at nagmadali itong patakbuhin paalis sa lugar na 'yon. Doon ako humagulgol na parang bata at inalala ang mga nangyari kani-kanina lang.

"A-are you alright? Anong nangyari?" Paos nitong tanong.

Hindi ko kayang mag explain sa kaniya ngayon. Mas mabuti pang hindi na muna ako magsalita dahil baka bumigay lang ako at hindi na muli pang tumigil kaiiyak.

I don't deserve this pain.

Iniliko ni Cof ang sasakyan sa Junction at diniretso ang kahabaan ng Ortigas Ave. Extension. Malapit na kami sa bahay ay hindi pa rin humuhupa ang iyak ko.

Nakarating kami sa bahay at hindi ko man lang magawang gumalaw.

Tinapik ako ni Cof, hudyat na nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"H-hey, andito na tayo."

Hinawakan ko ang kamay niyang tanging nagbibigay init sa katawan ko.

"T-thank you, Cof." Simple kong sabi at akma nang lalabas nang pigilan niya ang braso ko.

"What really happened there?"

Walang alam si Cof. Malamang ay busy siya at may kausap nang lapitan ko ang ama kong masayang-masaya sa pagpapasalamat ni Angelie sa kaniya.

"I d-don't know, Cof. I'm sorry. I want to rest now." Ngumiti ako sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa bahay.

Sorry Cof. Hindi ko muna kayang sabihin 'to sa'yo. Maguguluhan ka lang. At isa pa, labas ka na sa gulo na 'to. I need to think.

Naabutan ko si mom na nasa sala at busyng-busy sa kausap niya sa telepono. Agad niya din itong binaba nang makita ang pagdating ko.

"Jasmeen."

"Yes?" Pinilit kong itago ang umiiyak kong mukha dahil alam kong magtataka lang ito.

"Didn't you see me? Bakit hindi ka manlang kumiss sa akin?" Malungkot na sabi ni mom.

Crossing the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon