I've been following Angelie for three days now. Inaalam ko din lahat ng tungkol sa kaniya. Ang pangalan ng nanay niya, kung saan siya nakatira, kung ano ang trabaho ng nanay niya at marami pang iba.
May access ako sa impormasyon ng mga estudyante dito dahil parte ako ng Student Council sa university na 'to. Malaya akong nakaka kalap ng impormasyon ano mang oras ko gusto.
Tama nga ang narinig ko. 'Yung Cecil na kausap ni dad last time sa library ay ang nanay niya. Cecil Andres. Walang asawa at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang maliit na printing company sa isang malayong siyudad.
Si Angelie Flare Andres naman na may pangalawang pangalan tulad ko ay nakakapagbayad ng tuition fee na P150,000/sem. Sigurado akong si dad ang nagbabayad nito para sa kaniya. Malamang!
Wala siyang kapatid. 18 years old din siya tulad ko at magkalapit lang ang birthday namin! December 11 siya, December 13 ako.
Malinis ang record niya. Pasado naman lahat ng mga grades niya ngunit mas mataas pa rin ang mga grades ko!
Nalaman ko ring transferee siya dito. First year hanggang second year college, sa isang hindi kilalang eskwelahan siya nag-aral. Kalilipat niya lang this sem.
Sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ko these past few days. Masyado akong naging busy sa pagtuklas sa half sister ko.
Hindi ko pa rin maisip kung kailangan bang magalit ako sa kaniya, o sa nanay niya, o sa tatay ko. Pero gusto kong isiping dapat lang na magalit ako sa kanilang tatlo.
Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko si Cof na naglalakad sa gilid ng gym.
Gosh! Dito din siya nag-aaral?!
Sinilip ko ang unipormeng suot niya pero namukhaa ko ang unipormeng suot nito. Hindi ko siya schoolmate. So anong ginagawa niya dito?
Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko si Xander, na pinsan ko, na kinakausap siya! Nagtatawanan pa sila at nag bro fist. They're friends?!
Naglakad ako ng diretso at nagkunwaring hindi sila nakita. Agad akong tinawag ni Xander. Great.
Lumingon kunwari ako at nagulat na nandito sila.
"Hey, Xander!" kaway ko...with poise. Lumapit sila sa akin. "Cousin ni Kevin?" paglukunwari ko namang hindi ko naaalala ang pangalan niya.
"Cof." tipid na sabi nito at umiwas na ng tingin. Problema nito?!
"Oh yeah, Cof. Sorry." simpleng sabi ko at bumaling na kay Xander.
"Magkakilala kayo?" nakangising tanong ni Xander.
Obvious ba? Duh! Where is your brain, Xander?! Gusto ko sanang sabihin...
"Obviously. But we're not close." simple kong sabi at ngumiti kay Xander.
Naalala ko naman ang mga pinagsasasabi ko kay Cof noong isang gabi! Baka naipagsabi na niya kay Xander! Oh my gosh! Hindi puwedeng malaman ni Xander ang affair ng dad ko. I'm still practicing my pamatay lines when I finally confront him. Kidding.
Nagpaalam na si Xander na aalis at tumango lang si Cof. Ano bang problema ng dila niya at hindi niya magawang magsalita?!
Naiwan kami ni Cof na magkaharap. Agad kong pinigilan ang pag-alis niya.
"Wait!" nahuli ko ang braso niya at agad ko iyong hinatak. "M..may nakuwento ka ba kay Xander tungkol sa mga narinig mo last night at the park?"
Nakatitig lang siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at nag-antay ng sagot.
"Dipende."
The heck?!
BINABASA MO ANG
Crossing the Lines
Teen FictionAlam nang bawal, sumige pa. She crossed the line. Now she's out from the boundary where she's got no one but her punishment for that. 2 0 1 4 TheBbStories