Five

51 0 0
                                    

Nakaupo kami sa damuhan ng soccer field ng school nina Winter at Hope. May class si Chips kaya MIA siya ngayon. Ang guys naman? I don't know. Maaaring may class din...Or nambababae lang sa tabi-tabi.

"You know you can't love him." madramang sabi ni Winter nang mapunta kay Kevin ang usapan.

"Kevin is nice." sabi ko.

"Ate Tanya and Sandy are also nice, Jasmeen! E anong nangyari? Di ba wala rin? Masasaktan at masasaktan lang kayo sa huli. Mas maaga, mas hindi masakit." seryoso nitong sabi.

"Mahal ko siya." malungkot na sabi ni Hope.

"Mahal din kita, Hope, kaya ko sinasabi 'to sa'yo. Ayokong masaktan ka. H'wag mo na siyang paasahin sa imposibleng bagay. You can't be couples. You can't be inlove with each other!"

Napatingin ako kay Hope. Napatingin din siya sa akin. Sila na ni Kevin for pete's sake!

"K..kami na, e."

Nagulat si Winter sa sinabi ni Hope.

"I heard you wrong, Hope."

"Hindi ka nagkamali ng rinig, Winter. K..kami na ni Kevin. Mahal ko siya!" naiiyak na si Hope.

Miski ako ay naiiyak na rin. Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga pinsan ko.

"You're insane! Hindi mo ba naisip ang consequences?! You're selfish, Hope! Alam mong maraming madadamay!"

"E, anong gagawin ko? Break up with him? Move on and find a Chinese guy and marry him?" umiyak na ng tuluyan si Hope. "K..kahit hindi ko mahal?" humina ang boses niya nang sabihin ito.

She's really hurt.

Bakit pa ba kailangang diktahan ang puso kung sino ang mamahalin? Bakit hindi na lang maging masaya ang mga magulang namin sa kung sino ang iibigin namin?

"Winter" pag-awat ko nang makitang umiiyak na si Hope at pati siya.

"I just don't want you to get hurt. Alam mo naman ang nangyari kay kuya Ry and ate Tanya, Xander and Sandy." niyakap nito si Hope.

I just wish, all things will be alright.

That one day, I'm no longer a Chua.

+

Natapos ang araw namin at nakasalubong ko si Cof. Kasalukuyan kong kasama si Hope, Chips at Winter. Tapos na ang class naming lahat at nagbabalak nang umuwi.

"Jasmeen." napatingin ako kay Cof na suot ang black leather jacket niya.

Naalala ko na naman ang pagsuot niya nito sa akin.

"Bakit?"

"I'm sorry. I know I'm not in the position to act so protective to you but I just want you to know that I care." seryoso nitong sabi at malungkot na ngumisi.

"Sorry din." ngumiti ako at natigilan kami nang may tumawag kay Cof sa likuran niya.

"Cof."

I froze.

"Angelie"

"Eto na 'yung pinapa submit mo sa akin for the org." nakangiti nitong sambit at tsaka tumingin sa amin.

"Uh, yeah." inabot ito ni Cof at pinakilala kami.

"Uh, this is Jasmeen, Hope...And I don't know these two." napailing siya sa sinabi.

Ngumiti silang tatlo kay Angelie. Hindi ako tumingin. Kamukhang kamukha niya si dad.

Iaangat na ni Angelie ang kamay niya nang lagpasan ko iyon at nagkunwaring hindi 'yun nakita. Sumunod na sila Hope at nagpaalam na kay Cof.

Crossing the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon