Eleven

65 0 2
                                        

Maaga akong nagising at agad nagbihis para pumasok. First class pa man din iyong quiz namin. Kailangan kong mag cram man lang habang wala pa si prof.

Nagmamadali ako sa pag-aayos ng sarili nang maalala ang cellphone kong naihagis ko kung saan kagabi!

Naalala ko si Cof. Baka nagagalit na 'yun at pinatay ko pa ang cellphone ko.

Hinanap ko iyon at binuksan.

Natadtad ako ng mga mensahe na lahat ay galing kay Cof.

"Why is your phone turned off?"

"Are you mad at me baby?"

Hindi ko na nagawang basahin pa lahat at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng aking sarili.

Pagbaba na pagbaba ko ay nakita kong nag a-almusal si dad na bihis na bihis at kumakain mag-isa. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang.

Mukhang sa school na naman ako kakain nito.

Nang makarating ako sa school ay agad hinanap ng mga mata ko ang mga pinsan kong madalas na nakakalat kung saan.

Mukhang wala pa sila. Maaga ako ng isang oras kaya binaba ko muna ang mga gamit ko sa classroom at kinuha ang notes ko para doon na din sa cafeteria mag review habang kumakain.

Pumila ako at bumili ng paborito kong bacon and eggs.

Palapit na ako sa table nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay nakita kong si Cof iyon.

In-end ko ang tawag at nagsimula nang magcram habang kumakain.

"Why are you avoiding me?"

Napapitlag ako sa boses na nanggagaling sa likod.

Inosente akong tumingin sa kaniya at bumalik ulit sa pagkain.

"Hindi ka ba kumakain sa bahay niyo?" Masungit nitong tanong. "Jasmeen." Tawag nito nang hindi ko siya pinapansin.

"Nakausap ko si Angelie kagabi. She said she wants things to be okay between you two. Ano bang ginawa mo?"

Kumunot ang noo ko ng bahagya sa narinig ko. Lintek naman! Angelie na naman? Wala bang araw na hindi ko maririnig ang pangalan ng babaeng iyon? At anong balak niyang ipahiwatig doon sa sinabi niya? Anong ginawa ko?

Sa wakas ay tumitig na ako sa kaniya.

"So you really went to her place?" Sarkastiko kong tanong.

"Now you're jealous?" Natatawang tanong ni Cof.

Uminit ang pisngi ko kasabay ng pag-init ng ulo ko dahil sa sinabi niya.

"I am not." Bumagsak muli ang tingin ko sa notes ko. "Isipin mo na ang gusto mong isipin. I did not do anything to her."

"Kilala ko siya, Jasmeen. Hindi siya gagawa ng gulo-"

"At ako hindi mo kilala?" Hindi ko napigil ang pagtaas ng boses ko.

Hindi mo lang alam kung gaano kalaking gulo ang ginawa niyan sa pamilya namin!

Nagvibrate ulit ang cellphone ko at nakitang nagtext doon si Winter. Malamang ay pagagalitan na naman ako non kapag nalamang kasama ko si Cof. Hindi ko na inubos ang pagkain ko at nagmadaling kunin ang mga gamit ko.

"Jasmeen." Pagod nitong tawag sa akin. "I'm sorry. Okay?"

"Ako ang girlfriend mo, Cof. Nakalimutan mo na ba 'yon?"

Tinalikuran ko siya at nagmartsa na papasok ng classroom namin. Nadatnan ko si Winter na nag b-browse din sa kaniyang notes.

"Where have you been?" Tinuro nito ang bag kong nasa upuan ko na. "Nandito na ang mga gamit mo. You're early." Puna nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossing the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon