This story is gonna be real short. 15-20 chapters? But chapter count still depends on how it will flow...And how long my imagination would take me.
Hope you guys enjoy this one.
+
"Jas, let's go." hila sa akin ni Chips, pinsan ko.
What is she doing here?! She's just 17 and yet she's here at the bar? How come the bouncers let her pass?
"Paano ka nakapasok?" tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiwi lang siya at nagkibit balikat.
Ugh! Of course she's a Chua!
"Dala ko ang Montero ni kuya Peek."
What the heck? What's wrong with Peek? Minsan lang naman ako mag bar lalo ngayong nasa France sila dad at mom.
"Go home, Chips. I'm staying."
"Can't leave you here, Jas! Just go with me."
Goodness! Can't she take a 'no' for an answer?!
"Bakit daw?" nakasimangot kong tanong.
"Your parents are home and they're looking for you."
Oh God, no.
Nagmadali akong kunin ang purse ko at nagbeso beso kina Madeline at Stacey.
Alam na nila ang dahilan sa pagmamadali ko.
"Where's your car?" bungad sa akin ni Chips nang makalabas kami ng bar.
"Confiscated." nairita ako nang maalala kong pansamantalang kinuha iyon ni mom dahil pumuslit ako last time. "Sinundo lang ako ni Madie kanina." dagdag ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at pumasok na sa sasakyan.
*
"God, I'm shaking!" sabi ko nang makapasok ng gate namin.
Tinanguan lang ako ng guard namin at saka bumalik sa pwesto niya.
"Where have you been?!" rinig kong sigaw ni dad sa akin.
Oh, great. Just, great!
"N..nag..."
*PAAAAK*
He slapped me. And I'm not surprised.
"I don't want to hear any of your lies, Jasmeen Flare!"
Okay he's really mad.
Umakyat siya sa ikalawang palapag ng malaking bahay namin at padabog na sinara ang pintuan ng kwarto nila.
Mom must be mad as well. What dad feels, mom feels.
Lumapit sa akin si Hope. Pinsan ko. She tried to comfort me but I guess I don't need to be.
Sanay na ako.
Pumasok ako sa loob only finding Peek and Winter waiting for the show to be over.
"Keys?" inilahad nito ang kamay niya kay Chips na kapapasok lang.
Inabot ito ni Chips kay Peek at umupo na din ito.
Now they're all staring at me.
"What?" inis kong tanong.
Lumagapak ng tawa si Peek sa inasal ko.
"Where's Storm and Xander?" pansin ko nang makitang kulang kami.
"Girl hunting." simpleng sagot ni Winter habang nagbabasa ng makapal na libro.
Napatango ako at naupo na din sa sofa sa sala namin. Pinagmasdan ko isa-isa. They're done staring at me at may kani-kaniya na silang pinagkakaabalahan.
Peek, 19, pangalawa sa apat na magkakapatid. The most bubbly of all. Basketball player, player na din pagdating sa mga babae. Joker at makulit. But like all my guy cousins, over-protective.
Chips, 17, bunso sa apat na magkakapatid. Kapatid ni Peek, Hack at Hope. She's sometimes weird. Maganda at may mahabang buhok. Ombre ang tip ng hair at may nerd glasses. But she still looks beautiful. Bumagay sa kanya ang glasses niya at ang maganda niyang mata.
Hope, 18, pangatlo sa apat na magkakapatid. Kapatid niya si Chips, Peek at Hack. Matangkad siya na may mahabang buhok. Black ang buhok niya na hanggang dibdib. Madalas siyang sumali sa mga paligsahan. Beauty pageant at pati pagmomodelo, sinusubukan niya. Sikat siyang modelo at siya ang pinaka ka-close ko sa mga pinsan ko though ka-close ko naman silang lahat.
Hack, 23, pinaka kuya sa lahat. Expressive ang kanyang mga mata. Business-minded din siya. Siya ang tagapagmana ng Chua Airlines at kasalukuyan siyang nasa New York para mamahala ng kumpanya namin na nakabase doon. Seryoso siya at walang girlfriend. Hindi namin alam kung bakit pero mukhang dahil sa pagkakaroon niya ng maraming responsibilidad.
Winter, 18, kapatid ni Storm, Xander at ni kuya Ryan. Kung weird si Chips, mas weird siya. She loves anime so much. Dahil sa anime, pinilit niya ang mga magulang niyang pag-aralin siya sa isang Japanese school noong elementary kami kaya nahiwalay siya sa amin ng isang taon. Bumalik din kaagad siya sa school na pinag-aaralan namin dahil madalas siyang ma-bully doon ng mga Hapon dahil sa pagiging weird niya which is hindi mapuna ng mga kaklase namin sa school namin just because she's a Chua. Maganda siya at may malalaking mata na parang pang cartoon. Maikli ang buhok niya at kulay brown ito.
Storm, 18, twin brother ni Winter. Magkamukha sila sa ilong pababa sa labi at parehas sila halos ng mga gusto. Suplado type si Storm na isang pinagkapareha nila ni Winter na may pagkasuplada. Matangkad si Storm at parehong Basketball at Soccer player ng school. Hindi pa nagkaka girlfriend. Puro fling lang at hindi na humahantong sa iba.
Xander, 19, playboy at katulad ng iba kong lalaking pinsan, kung hindi habulin ng babae ay gwapo at makisig. Siya naman ang hari ng pagka protective. He loves breaking the rules like how kuya Ryan broke tito and tita's rules. CFAD student sa UST. He's just so good in everything but he chose to expertise his skills in art.
Lastly, Ryan, 22, malamang gwapo. He's currently in Canada. Pinatapon siya ng mga magulang niya doon nang labagin niya ang isa sa pinaka mabigat na rule. Patago niyang pinakasalan ang girlfriend niya, si ate Tanya. They're just freakin' 21 that time! When kuya Ryan heard his parents talking about his marriage to someone he doesn't know. Wala kaming balita sa kanya after being sent away to Canada. Wala na din kaming balita kay ate Tanya.
We really are a bunch of weirdos but not so weird like Winter pero solid kaming magpipinsan. Only child ako that's why I'm close to my cousins. Sa aming mga magpipinsan, normal na ang mapagalitan lalo na kapag lumalabag kami sa rules.
Nabuhay kaming may mga patakarang sinusunod.
May mga taong sinusunod.
May mga bagay na pilit sinusunod.
We all don't know why.
We're just going with the flow. And we do not know why we're even going with it.
It's really frustrating! It's like they're trying to protect us and hide us from something....or someone, maybe?
BINABASA MO ANG
Crossing the Lines
Fiksi RemajaAlam nang bawal, sumige pa. She crossed the line. Now she's out from the boundary where she's got no one but her punishment for that. 2 0 1 4 TheBbStories