Habang nag lalakad nang malawak ang mga ngiti, si kuya naman ay panay ang sundot sa tagiliran habang maloko akong nginingisian. Paniguradong kung ano-ano nanaman ang tumatakbo sa utak neto kaya ganyan nanaman manukso. Hilig pa naman niya kong asarin kapag nakikita niyang kinikilig ako tuwing mag uusap kami ng bebe ko.
"May date ka nanaman 'no?" Tanong nito sa'kin at patuloy pa din sa pang aasar niya. Isang sundot pa nito, kokonyatan ko 'to sa ulo kahit mas matangkad siya sa'kin. "Tingin nga-"
"Kuya naman, wag kase!" Pag mamaktol ko habang inaagaw sa kanya ang cellphone ko dahil naka bukas don yung convo namin ni AE. Baka kung ano pa ang mabasa niya at mas lalo akong asarin.
"Ang chismoso mo, Kuya France! What if ligawan mo na si Fiona para naman hindi ka nakikibasa ng convo ng iba? Joke lang--" Agad na pag bawi ko dahil akmang ihe-headlock niya ko sa harap ng mga studyante dito sa university niya, buti nalang nakatakbo agad ako.
Bwiset na yan, kababaeng tao ng kapatid mo tapos gaganun-ganunin mo lang sa harap ng mga tao, isusumbong ko talaga siya kay daddy.
"Hoy, baka madapa kang pandak ka! Frances!" Tawag nito sa pangalan ko. Aba? Ako ba ang sinasabihan niyang pandak?
Inis na sinamaan ko ito ng tingin dahil pansin ko ang pag tawa ng mga studyanteng nakarinig sa sinabe niya. Mukang kilala nila 'tong salbahe kong kuya dahil sa pagiging laiero niya chariz. "Hindi ako pandak, Kuya! Bawiin mo 'yon!" Pag mamaktol ko habang padabog na lumalapit sa nakangising lalaki na 'to.
"Ha? Alin?" Pag mamaang-maangan niya habang nakasilid sa magkabilang bulsa ang palad nito. "Wait--Si sister in law ba 'yon?" Pinaningkit nito ang mata na para bang may sinisipat sa likudan ko.
"Si Aevian? Diba wala siyang klase-" Takang tanong ko din. Akmang lilingon din ako sa sinisilip niya nang bigla nitong pinitik ng malakas ang noo ko. Napahawak tuloy ako dito at maiyak-iyak na tumingin sakanya na ngayong nakangising nang aasar. Siraulong kuya 'to, napakasakit!
"Isusumbong kita kay mommy!" Pikon na singhal ko at mabilis na nag lakad palabas ng university nila. Bwiset na yan, siya kaya pitikin ko sa mata!
"Hoy pandak! Sorry na, ki-kiss ka naman jan ni sister-in-law mamaya para mawala" Habol nito sa'kin, pero dare-daretsyo akong nag lakad dahil sa inis at pikon.
"Hoy Frances! Joke lang, nag lalambing lang naman sa'yo si Kuya" Hinawakan nito ang kamay ko habang ngiting asong nag aantay kung rurupok ba'ko o hindi.
"Oo na, pero isusumbong pa din kita!" Salubong na kilay kong sambit na lalong nakapag pangiti sa kanya. Siraulo ata 'to e. Ngiti now, iyak later pag pinagalitan at kinuhanan ng sasakyan. Pero syempre, joke lang na isusumbong ko siya, bubudulin ko lang 'to ng ice cream para bati na kami.
"Sige ka, mamimiss mo din 'tong pang aasar ko kapag nawala ako-" Biro nito kaya lalong nag salubong ang mga kilay ko.
"Wag ka ngang mag salita ng ganyan, Kuya! Kung makapag drama ka naman, akala mo mawawala kana bukas" Tumingin ako sa mga mata nito at agad na tinaasan siya ng kilay dahil mukang natulala na siya sa maganda niyang kapatid.
"Tara na nga, libre nalang kita tutal yon naman ang inaantay mo dahil buraot kang kapatid hahaha" Naka ngising sambit nito at inakbayan ako. Tangina, papatayin ata ako nito e, alam na anlaki laki niya, kung maka sampa ng kamay sa balikat ko wagas.
"Pero, wag mo na'kong akbayan kuya, baka mag selos yung mga babaeng nag hahangad sa ka-gwapuhan mo" Biro ko dito at inilayo ang kamay niya sa balikat ko. Taena, kaya siguro hindi ako nalaki dahil sa kakaakbay niya.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romance••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"