CHAPTER 7

2.3K 98 17
                                    





-----




Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang nakisabay ako sa ex ko pauwi. Tapos, hinayaan ko lang siyang tangayin ang susi ng kotse ko kahit alam kong wala siyang karapatan gawin 'yon.





Ano bang nangyayari sa'kin? Saglit palang kaming mag kasama pero halos bumigay nanaman ako. Hindi dapat ako maging marupok!




Halos ikutin kona ang bawat parte ng kama pero hindi pa din ako makatulog dahil sa kakaisip. Ano kayang sasabihin sa'kin nina Fiona kapag nalaman ang naging kilos ko kanina? Sasapakin kaya nila ko? O baka naman iuntog ang ulo ko para magising sa reyalidad.





Isa pa tong si Tanya. Ang sabi nina Aerian, crush ako ng babaeng yon, pero bakit pakiramdam ko hindi naman at mukang malabong mangyari yon? Bakit mas lamang yung pakiramdam ko na may secret relationship sila ni Ma'am Flores? Nakakapag taka lang na ganon kakumportable si Tanya sa mala-dragong ugali ni Ma'am.





-----






Halos tatlong oras lang ata ang tulog ko dahil kung ano-anong tumatakbo sa isip ko kagabi. Bigla nalang akong naiinis tuwing maaalala ang pangalang Tanya. Tunog panira ng araw, ganon.




6AM palang ng umaga, mulat na mulat na'ko agad. 8AM panaman ang klase pero tuwing na-iisip kong dadaanan ako ni Ma'am Flores dito, nagigising agad ang diwa ko. Hindi dahil sa excited ako o ano, ayoko lang siyang pag-antayin dahil baka sumabog nanaman sa inis 'yon.




Habang tinitingnan ang sarili sa salamin, bigla akong napaisip kung tama ba talaga 'tong nangyayari. Tama bang dumikit-dikit ako sa kapatid ni Aerian kahit alam kong hindi naging maayos ang nangyari sa'min? At bakit parang bigla akong nakalimot sa lahat ng masasakit na salitang binitawan niya noon? Bakit ako bumibigay ng unti-unti?





"Hop in," Utos nito sa'kin bago isara ang bintana ng kotse niya. Sumunod naman ako kaagad. Humahalimuyak nanaman sa bango yung loob ng kotse niya.





"Morning, Ma'am" Tipid na bati ko dito. Hindi siya umiimik at pokus na pokus ang mata sa kalsada. Naka skirt nanaman ito at formal top na kulay white. Required bang naka skirt sila lagi?





"Early to rise means early to school, get ahead by waking up ahead, sleepy head" Dinig kong sabi nito kaya napa tingin ako sa gawi niya. Ganyan ba siya mag good morning, maagang panenermon sa kapwa?




"Is that how you say good morning, Ma'am?" Sarkastikong tanong ko dito. Ni-wala man lang reaksyon amp!





"Morning," Tipid na tugon nito at hindi na muli nag salita. Agang-aga, iba na agad tama ng dragon na 'to




"Nonchalant yarn" Bulong ko sa sarili. Panisan ng laway ata ang gusto ni Ma'am, Jusko. Tipid mag salita pero kapag manenermon palong palo.





"Me?" Tanong nito sa'kin at biglang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.





"Ha? May sinabi ba'ko?" Inosenteng tanong ko dito pabalik. Salubong nanaman ang kilay niya habang matalas na nakatingin sa'kin. Alam kona kung kanino nag mana si Aerian ng pagiging pikunin.






"I was so upfront and vocal with you before. Is that how you define nonchalance?" Taas-kilay na tanong nito. Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na napunta sa muka bago ulit ako tiningnan. Bakit naman nanunumbat ng nakaraan?





The Taste Of Love Where stories live. Discover now