-----
Mag-isa lang ako ngayon habang inaantay si Gab dahil kinakausap ito ng mga pulis. Naka-upo ako sa lobby ng police station habang tulala dahil sa nangyari. Gusto kong umiyak tuwing naaalala ang muka ng hayop na 'yon. Hindi ko lang talaga akalaing magagawa niya ang bagay na'yon sa'kin. Alam kong lasing siya pero hindi 'yon dahilan para gawin ang ganong kababoy na bagay.
"Anak- are you okay?" Nag aalalang tanong sa'kin ni mommy nang makita niya akong balot na balot ng jacket pagka pasok niya sa loob ng police station. Marahan ko itong tiningnan bago ito niyakap ng mahigpit. Nagsisimula ng tumulo ang luha sa pisngi ko na kanina ko pa pilit pinipigilan.
"M-mommy" Tawag ko dito. Naramdaman ko ang haplos ng palad niya sa likuran ko kaya nakaramdam ako ng pahinga. Pahinga sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon. Nandidiri ako sa sarili ko kapag naalala ko ang lahat ng nangyari pero dahil sa yakap niya, naramdaman kong ligtas na'ko ngayon.
"It's okay, magiging ayos din ang lahat." Pag alo nito sa'kin habang hinahaplos ang likod ko.
"H-he touched me. J-jeremi fucking touch me!" Sumbong ko dito. Alam kong hindi naging maayos ang relasyon namin ngayon ni Mommy dahil sa desisyon nila ni Dad pero siya lang ang alam kong taong hindi ako iiwan kahit ano pang mangyari.
"I'm sorry...Hindi na siya lalapit ulit sa'yo...I'm sorry, Anak"
"Pero si Dad--"
"The case is already ongoing, stop overthinking, anak" Mahinang sambit nito habang pinupunasan ang basang pisngi ko.
Maya-maya lang ay lumabas nadin si Gab after kausapin ng pulis. Si Jeremi naman na puno ng pasa ang muka ay kasunod din nitong lumabas. Ayon kay Gab, nag bayad daw agad ng bail si Jeremi. Eh ano pa bang bago? Mayaman siya, malamang matatakasan niya ang nangyari dahil pati sarili kong tatay ay kakampi niya.
"F-frances, I'm sorry.. L-lasing lang ako non. Hindi ko magagawa sa'yo yunn ganong bagay, alam mo yan!" Pagmama kaawa nito habang naka luhod sa harapan ko. Sinubukan pa nitong abutin ang balat ko pero dahil sa mga ginawa niya, hindi kona ata siya kayang harapin pa ulit.
"But you did! You raped me!" Iyak na sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman. Tangina, dapat sa kanya nasa loob ng kulungan. Hindi ko lang talaga maintindihan sa sistema dito sa bansa, kapag mayaman ka mas papaboran ka ng hustisya
"I'm sorry, please! Forgive me, please--- Tita, I'm sorry, alam n'yong hindi ko yon magagawa sa anak niyo. Mahal na mahal ko po siya.."
Malakas na sampal lang ang natanggap niya kay Mommy nang nagtangka itong lumapit sa kanya. Kita ko ang galit at pagsisisi sa mata ni Mom habang nakatitig kay Jeremi na mariing naka hawak sa pisngi.
"I'm sorry... Frances. Please, tulungan mo kong mag explain kay tita. Hindi naman talaga yun ang intension ko..."
"Don't you dare fucking touch me, nakakadiri ka!" Umatras ako ng bigla ako nitong yakapin. Nakita ko kung pa'no ito itulak palayo ni Gab at suntukin ulit sa muka. Buti na lang talaga at may mga police na nag babantay sa labas dahil kung wala, baka mabugbog na naman siya.
"Gab, hayaan mo na. Let's go, please"
"He deserves it, Frances. H'wag kang maawa sa gagong yan! Kulang pa yan sa mga ginawa niya sayo!" Galit na wika nito.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romance••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"