Enjoy reading...
-----
Feeling artista akong naglakad sa gitna ng napaka raming tao palabas ng airport, hindi ininda ang nakakarindi nilang mga chismisan at malalagkit na tingin sa'kin bagkus ay dare-daretsyo lang ako sa goal-- ang makatakas sa body guard na pinadala nina daddy.
Aanhin ko naman kase sila, hindi naman ako anak ng pinaka mayaman sa buong pilipinas para kuyugin sa labas.
May mga press din na nag aantay sa'kin sa entrance ng airport pero balak ko lang din silang daanan tulad ng ginagawa ko sa mga taong naka buntot sa'kin ngayon. Tangina, hindi ko alam na madami palang nahuhumaling sa ganda ko dito.
"We can assist you with your baggage, Ma'am" Singit naman ng isang staff na lalaki at agad na hinawakan ang handle ng maleta ko. Kita ko ang kinakabahang titig nito sa'kin nang tanggalin ko ang suot kong shades. Intimidated ata si kuya.
"Yes, thank you" Ngiting tugon ko dito at hinayaan siyang kuhanin ang maletang dala ko. Dalawa lang naman kasi 'tong dala ko dahil hindi na'ko nag abalang bitbitin yung iba ko pang mga gamit dahil balak kong bumili nalang ng panibago sa pilipinas.
"A-artista po ba kayo, Ma'am? A-andami po kasing sumusunod sa inyong media-"
"Simpleng mamamayan lang ako kuya, baka ngayon lang sila nakakita ng maganda haha" Biro ko dito pero mukang nag dadalawang isip ito kung tatawa ba siya o hindi maniniwala sa sinabi ko.
"Totoong m-maganda nga kayo, Ma'am. " Utal na sagot nito. Natawa naman ako sa isip-isip ko dahil mukang iniisip pa din niya kung artista nga ba talaga ako. Siguro nga ay napag kakamalan akong artista dahil sa mga punyaterang media na naka aligid sa'min ngayon.
Wala naman akong pinag sabihan na uuwi nako para hindi hassle katulad ng nangyayari ngayon. Paano kaya nila nalaman na may darating na anghel sa Pilipinas ngayong araw?
"Saan may taxi dito, Kuya?" Tanong ko dito para kunin ang atensyon niyang nasa kabilang dimensyon ata ng galaxy.
"P-pag labas ng exit, may mga naka abang na taxi don, Ma'am" Sagot nito kaya tumango nalang ako.
"Thanks, Kuya. I can handle my things from here" Ngiting pasasalamat ko dito bago nag lakad papalayo sa kanya. Mukang na estatwa na siya don nang lingunin ko ulit para silipin yung mga taong naka sunod sa'min kanina. Seriously, ganon ba talaga lahat ng mga lalaki kapag nakikipag usap sa maganda?
Mabilis kong nilagpasan lahat ng mga press na kung ano-anong mga bagay ang pinag tatanong sa'kin. Yung iba ay nangangamusta at tinatanong kung bakit biglaan ang pag uwi ko, yung iba naman todo tanong sa'kin tungkol sa business staff ng father ko, at yung iba naman ay hinihingi pa din ang masasabe ko dahil bigla nalang akong naglaho after that incident.
"Miss Camires, kamusta naman ang buhay sa ibang bansa?"
"Handa na po ba kayong humarap sa media para mag bigay ng pahayag sa pag kawala ng panganay n'yong kapatid?" Tangina, kung ready na'ko, edi sana hindi ko kayo tinatakbuhan ngayon,
"Bubuksan ba ulit ang kaso ngayong nandito kana sa bansa?"
Napapikit ako ng mariin dahil sa sunod-sunod na tanong nila patungkol sa brother ko. Nanatiling naka tikom ang bibig ko habang dare-daretsyo palabas ng gusali. Isa pa, hindi pa din ako kumportableng pag usapan ang tungkol sa nangyari sa kapatid ko, sa katunayan, hindi pa din ako nakakapag move on sa pangyayari lalo na't sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit nawalan ako ng kapatid.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romantizm••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"