CHAPTER 6

2.3K 109 31
                                    




-----




"Ano naman yang mukang yan, Frances?" Puna ni Aerian sa muka kong nakasimangot pag pasok ng classroom.







"Kagandahan," Irap na sagot ko dito. Inilabas ko ang papel at ballpen mula sa bag, bago isinandal ang sarili sa upuan. Pinalayas banaman ako nang dahil sa Tanya na 'yon?






"Walang maganda sa mukang ganyan," Sabi ni Fiona. Nakatingin na pala sila sa'king dalawa, nagtataka kung bakit salubong ang mga kilay ko pagkapasok ng room.






"Galit ka ba? May naka-away?" Dugtong pa ni Aerian. Nakakainis! Bakit ba apektado ako sa taong 'yon?







E ano naman kung pinalayas ako pag dating niya? Dapat nga mag pasalamat pa'ko.







"Wag niyo nga 'kong tingnan, ayos lang ako" Irap na suway ko sa dalawa.







"Meron ka ba? Bakit bigla kang naiinis?" Pangungulit pa ni Fiona at sinundot-sundot ang braso ko.








"I'm annoyed, wag mo muna akong kulitin," Pakiusap ko dito bago nag buntong-hininga.







"Kanino? Dahil ba iniwan ka namin kanina? sorry na!" Ngusong sambit pa nito.






"Tanya-"






"Ha? Because of her?" Turo nito sa pintuan kung saan nakatayo ngayon ang babaeng epal kanina pa.






"Stupid, wag mong ituro," Suway ko dito.







"Anong ginawa ng mukang isdang yan?" Kunot-noong tanong ni Fiona.







"Forget it," Napasinghap ako ng malalim bago nag kunwaring may isinusulat sa notepad na hawak.








"Dahil ba wallpaper ka niya kanina?" Bulong ng maingay sa tabi ko, kaya agad ko itong sinamaan ng tingin. Hindi ba uso manahimik sa isang 'to







"Siguro may secret relationship kayo 'no? Tapos ayaw mong ipaalam kahit kanino--"







"Kaya nag LQ kayo, kase nakita ng lahat na wallpaper ka niya?" Takang tanong din ni Aerian.








"What the heck? Hindi ako pumapatol sa mukang isda, tulad ng sabi n'yo" Inis na sagot ko sa mga 'to. Sabay silang nag tawanan na tila mission accomplished sa pang-aasar sa'kin.







"Okay chill! Bakit ba hindi ka mabiro haha!"







"Frances," Speaking of the devil.






"Oh?" Iritang tanong ko nang hindi siya nililingon.






"Pumunta ka daw sa office ni Ma'am Flores after your class" Sambit nito bago ngumiti. Tangina, plastic.






"Thank you," Tamad na tugon ko dito.






"Wait? Totoo ba? LQ talaga kayo ni Tanya?" Bakas sa muka ng dalawa kong kaibigan ang pag tataka.






Buntong hininga akong humarap sa mga 'to bago nagsalita. " Unang-una hindi kami LQ because in the first place, hindi kami 'lovers', Pangalawa, walang dahilan para mag-away kami tulad ng iniisip n'yo"






The Taste Of Love Where stories live. Discover now