"Get out of the car, now" Malamig na utos nito habang nakatayo sa labas ng passenger seat. Hilong-hilo ako dahil sa alak at lalo pa atang lumala dahil sa babaeng nang gugulo dito ngayon. Tanaw ko ang pigura nito mula sa loob ng kotse, suot pa din nito ang skirt na suot niya kanina sa school, mukang hindi na nakapag palit.
Akala ko ba umalis na siya kasama ng boyfriend niyang mukang bangkay? Bakit mukang mag babasag 'to ng kotse dito sa harap namin.
Pinipilit kase nitong buksan ang pintuan kung saan ako naka-upo. I texted Aerian para ipaalam sakanya ang pinag gagawa nitong ate niya ngayon. Nananahimik yung tao, bigla niyang guguluhin.
"Let me talk to her, Jeremi" Mahinang sabi ko dito habang patuloy na hinihilot ang sentido. Parang anytime babagsak nalang ako bigla dahil sa sobrang sakit ng ulo. Nakakairita pa naman yung tunog ng pintuan na pilit nitong binubuksan.
"You know her?" Takang tanong nito kaya tinanguan ko siya. Agad naman niyang tinanggal ang pag ka-locked ng pinto kaya agad itong bumukas at bumungad ang iritadong muka ni Ma'am.
Malakas ang simoy ng hangin sa labas. Ramdam ko ang pag dampi nito sa balat ko at ang panunuot ng amoy na 'yon sa ilong ko. That scent, I was the one who told her that it suits her.
"What is your problem, Ma'am?" Kalmadong tanong ko dito nang makalabas ng kotse.
"Get your things now, Frances" Utos nito habang nakatitig pa'din sa mga mata ko. Kung maka utos akala mo naman kung sino, tse!
Nanatili akong nakatayo sa harap niya at bahagya pang isinandal ang sarili sa kotse dahil ramdam kona talaga ang bigat ng ulo ko. Hindi na'ko maka-kilos ng ayos dahil mukang tinamaan na talaga ng alak ang katawan ko.
Gulat naman akong tumingin dito nang bigla niyang buksan ang pintuan sabay kuha ng bag na dala-dala ko. Hila-hila nito ang braso ko hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Tangina, bakit ba siya ganito!? Bigla nalang akong kinakaladkad kung saan-saan.
Kahit lito at hilong-hilo, lumaban ako at pilit binawi ang kamay ko sa kanya, pero hindi ito nag patalo at mas diniinan ang pagkapit sa'kin. Bumakat na nga ata yung kuko sa'kin.
"Ano ba, nasasaktan ako!" Daing ko dahil sa higpit ng pagkahawak niya sa'kin. Agad naman niya akong binitawan at mukang nag marka talaga sa balat ko ang kuko niya.
"Wipe your mouth" Malamig na utos nito at may iniabot sa'king wipes. Nagtataka ko siyang tiningnan at agad na kinuha ang wipes na nasa kamay niya. Sa sobrang hilo ay napa sandal ako sa kotse niya at mariin na ipinikit ang mata.
"Ano bang problema mo, Ma'am?" May diing tanong ko dito pero nanatili itong hindi umiimik. Fvck, alcohol!
"Just do what I said!"
"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin?!" Hindi kona alam kung ano ba talagang gusto niyang mangyari. Kanina, halos patayin niya ko sa alikabok. Ngayon naman, para akong laruan na kung saan niya gusto dalhin, dapat kasunod ako. Nalilito ako, gulong-gulo na'ko sa kung ano bang plano niya sa'kin. Mamatay ba sa sakit sa puso?
Masakit pa din sa'kin kapag naaalala ko lahat ng nangyari sa'ming dalawa, pero mas lalo niya 'kong pinahihirapan dahil lapit parin siya ng lapit sa'kin.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romance••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"