"So, how can we unlove someone?" Dinig kong tanong ni Fiona kaya taka naman akong tumitig dito. Ano nanaman kayang pumasok sa utak neto at parang nahanginan nanaman.
"What? Are you even inlove?" Takang tanong ni Gab sa kanya. Naka-upo kami ngayon sa cafeteria at nag papalipas ng oras. Sobrang init kase ngayon ng panahon kaya nakaka tamad kumilos ng kumilos.
Maraming studyante dito sa loob dahil saktong lunch break ngayon ng mga studyante. Maraming naka pila, nsg kekwentuhan, nag tatawanan, at mga mag jojowang nag haharutan sa gilid gilid.
"The sad thing is we can't" Sagot naman ni Aerian dito kaya napakunot noo narin ako. Rinig ko ang hagikhikan nilang dalawa, tapos para naman kaming tanga na naka kunot-noo ni Gab sa harap nila. Ano bang nasinghot nitong mga 'to?
"If our love was true and if it was genuine, then it will always be there-"
"What the heck are you talking about? Inlove ba kayong dalawa?" Curious na tanong ko. Nakakainis kase kapag may pinag uusapan sila tapos hindi man lang ako maka sabay, pakiramdam ko, maraming nagbago dahil sa tagal kong nawala kaya gusto kong iexplain nila yung mga bagay na hindi ako maka relate agad, pero dahil magaling sila mang asar, lalo nila akong ginagago.
"Wag ka nang mawala~"
"Wag ka nang mawala~ ngayon!"
Tamo tong mga 'to, biglang kumakanta, ampapanget naman ng mga boses.
"Ahh hahaha gets!" Hiyaw din netong lalaki sa tabi ko at nakisali na sa kagikhikan nitong dalawang panget sa harap ko.
"Pinagsasasabe n'yo diyan, mga wala namang jowa!" Iritang sabi ko at lumipat ng upuan upang itinuloy ang pag babasa ng libro, kanina pa'ko hindi maka focus dahil sa noise pollution na nanggagaling sa kanilang tatlo, sinamahan pa ng init sa Pilipinas ngayon. Mamaya pati ulo ko, mag iinit na sa ginagawa nila.
"Bakit ikaw, meron ka ba? Wala ka din namang jowa- " Nag hahamon na tanong ni Fiona at talagang sumunod pa sa pwesto ko. Aba ang walanghiyang Fiona na'to.
"Oo, Marami!" Pikon na sagot ko na lalo niyang ikinatawa. Isang tawa mo pa, dudugo na yang nguso mo!
"Weh? Hindi mo nga kayang makitang may iba si Ate AE," Mahinang bulong ni Fiona pero rinig na rinig ko pa din iyon.
"What?! Shut.up!" Inis na baling ko dito.
"Huh? May sinabi ba'ko?" Parang batang walang alam na tanong nito. Bwiset talaga tong bisugo na 'to.
"Hirap mo naman biruin, trending yan sa tiktok!" Singhal sa'kin ni Aerian na ngayo'y naka pwesto nadin sa harap ko. "Palibhasa 'di marunong sumabay sa trend" Irap nito at nakipag tawanan nanaman sa mukang bisugo na 'to.
"Bobita ka, tagal na yang trend na yan. Pagalingan mag thirst trap trending ngayon saka kembot kembot ng pwet" Sabat naman ng lalaking mukang unggoy na ngayo'y katabi kona ulit.
"Kembot kembot?" Takang tanong ni Aerian. Bigla namang tumayo si Gab sa harap namin at giniling yung pwet niya na parang bulateng inasinan.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romance••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"