CHAPTER 10

2.2K 96 8
                                    







-----






Mabilis lumipas ang araw. Sa wakas, simula na ng intramurals. Maraming tao sa loob ngayon ng university. Maraming booths ang nakakalat sa loob ng campus kaya talagang nakaka-enjoy gumala. Kung wala lang akong sport na nasalihan, siguro kasama ako ngayon nina Aerian kumain sa mga stall dito sa loob.







Madaming nangyari nitong mga nakaraang araw, pinilit ko nalang talagang kalimutan at wag isipin para makapag saya ako buong linggo. Tuwing nakakasama si Ma'am Flores, pinipilit ko nalang wag mag pa-apekto sa kanya. Kung lalo ko kasing papansinin ang nga nangyayari, mas lalo lang akong mababaliw kakaisip.






"Your turn, Frances" Sigaw sa'kin ng isa sa mga kakampi ko. Nasa field kami ngayon dahil may laban ang section namin sa kabilang department. Ayos naman ang lahat, marunong pa din ako mag volleyball pero hindi kona kayang mag spike ng malakas, hindi katulad dati. Niloloko ko lang talaga sila na hindi ako marunong, pero ang totoo kasama talaga ako sa varsity dati nung highschool ako.







"GO CAMIRES!!! BALIBAGIN MO SILA!!!" Sigaw ni Fiona gamit ang mikroponong hawak. Tanginang taga cheer yan, mahihiya nalang yung kabilang team sumigaw.






Tumingin lang ako sa gawi nito at ngumiti bago inispike ang bola papunta sa kabilang court. Agad nila itong na received at ibinalik sa'min ang bola. Lahat ng kasama ko ay alerto, taga recieved lang ako ng bola sa likod at sila na ang bahala gumalaw sa oras na umangat ito sa ere.







Pag toss sa bola ay siya ding pag palo ng kasamahan namin papunta sa kabilang court. Damn, that was pretty fast.






"WHOOAAAAAA!!!" Hiyaan ng mga kaklase ko nang makapuntos ulit kami. Tambak ang score ng kalaban kaya mas nagiging mainit ang mga galaw nila. Ramdam ko din ang titig nila sa'kin na tila ba may masamang binabalak. Parang anytime, may mag sasabunutan dahil sa mga titig nila. Nararamdaman kong napipikon na sila sa'min.







"You're doing better, Frances" Sambit sa'kin ng kateam ko matapos iabot ang bola. Ako ulit ang mag seserve nito papunta sa kabilang court. Matapos Idribble ng tatlo beses, agad akong pumwesto at inispike ang bola papunta sa dulo ng court nila.







Got it right! butas at walang dipensa ang parteng 'yon kaya naman daretsyong bumagsak ang bola sa line ng court nila.








"KITA MO YON? PASOK NA PASOK!!!" Hiyaw ni Fiona sa referee. OA sa pagiging supportive naman ang isang 'to.






"One more time, Babe" Kindat sa'kin ng kasamahan ko bago ibigay ang bola.






Pagpito ng referee ay siya ding pag spike ko sa bola papunta sa kabila. Na recieved naman nila iyon ng walang kahirap hirap. Umangat ang bola sa ere, lahat ay pigil-hiningang naka focus sa bola at hinihintay ang susunod na hakbang ng kabilang grupo. Mabilis na toss ang ginawa ng setter nila at napunta ang bola sa kaliwang bahagi ng team mates niya.






Lahat ng mata ay nakasunod sa bola, maging ako ay nakatutok doon dahil trabaho kong ireceived iyon at ibigay ng maayos sa kagrupo. Pero nawala bigla ang focus ko nang makita ang propesorang suot ang poker face nito habang pinanonood ang ginagawa ng kabilang grupo. Ma'am Flores?






Hindi ko na nabantayan ang mabilis na pag spike ng kalaban sa bola kaya direktang itong tumama sa muka ko.







"FRANCES!!!" Dinig kong sigaw ng mga tao sa paligid nang bigla akong matumba at tumama ang ulo sa mismong court. Napapikit nalang ako ng madiin dahil sa biglang pag kahilo. Nasa langit na ata ako shuta.







The Taste Of Love Where stories live. Discover now