CHAPTER 11

2.1K 81 3
                                    






-----






"D-dad--" Naiiyak na tawag ko dito habang nakakatanggap ng kung ano-anong masasakit na salita. Nandito ako ngayon sa loob ng office niya habang kasama si mommy na nakatayo lang sa likuran ko.









"Kailan ka ba matututong bata ka? Did you fucking see the face of Mr. Benjamin's son?" Galit na galit ito habang sinisigawan ako sa harap ni Mommy na wala namang magawa kundi panoorin lang ang pag iyak ko. Nakayuko ako at patuloy na umiiyak ng tahimik dahil ayaw kong ipakitang mahina ako, ayokong ipakita na nasasaktan ako.








"Sa'yo naka salalay ang business natin Frances! Ano banamang utak yan?!" Lumalabas na ang ugat nito sa noo dahil sa sobrang galit. Hindi ko kayang lumaban, para akong na-estatwa nalang dahil sa takot na baka masaktan.








Mariin akong pumikit matapos niyang sabihin 'yon at pinigilan ang galit na nararamdaman."I'm sorry-" Halos bulong na sabi ko habang naka kuyom ang kamao. Ano bang tingin niya sa'kin? Bagay na pwedeng ioffer sa mga ka business partner niya? Tangina naman!









"Apologize to Jeremi now. Kapag nalaman 'to ng pamilya niya at umatras sila sa partnership sa kumpanya, ikaw ang tatamaan sa'kin." Utos nito habang naka hawak sa kanyang noo. Ramdam ang stress sa kanyang muka ngayon dahil sa posibleng mangyari.








"Call him now!" Sigaw ulit nito.







"Sorry" Walang emosyong tugon ko dito at nanginginig na kinuha ang phone sa bag.






Tinawagan ko si Jeremi ng naka loud speak para iparinig sa kanya ang boses nito. "I'm sorry" Bungad ko nang sumagot ito. "Forgive me"







"It's okay, Frances. Hindi ako galit sa'yo o sa mga kaibigan mo. Sorry sa nangyari" Masiglang tugon naman nito. Halata mo sa boses niyang nakangiti ito habang nag sasalita.








"I'll hang up" Paalam ko dito. Tiningnan ko pa si Dad na nakakunot padin ang noo.








"Let's go on a date--" Nang marinig ko iyon ay agad sumenyas si Dad na pumayag ako. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba o mag dadahilan na may gagawin para hindi niya masamain ang pag tanggi ko.







"Yeah, kapag wala akong gagawin" Sagot ko dito at agad na pinatay ang tawag. Matapos nilang marinig yon ay walang pasabi akong dumaretsyo sa labas at umalis.








Hindi ko sila kayang harapin ngayon dahil sa sobrang sama ng loob ko, mas iniisip pa nila ang business nila kesa sa'kin na sarili nilang anak. Wala na talaga akong karapatang sumaya at makapag desisyon para sa sarili ko. Maging ang nanay ko na akala ko'y kakampi ko, wala ding nagawa para ipag tanggol ako.







Dinala ako ng mga paa ko sa sementeryo kung saan naka libing ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Si kuya na kahit anong mangyari, siya lagi ang kakampi ko sa lahat. Sa kanya pa din ako patuloy na tatakbo kapag nasasaktan, siya pa din ang una kong lalapitan.







"Kuya..." Hikbing wika ko habang naka luhod sa harapan ng puntod niya. "Balik ka na kuya, please? I miss you so much" Hindi na napigilan ng luha ko na bumagsak dahil sa inis at galit na narararamdaman.






"Sama mo na lang kaya ako kung nasaan ka? Nakita mo naman sila Dad diba? They're forcing me to marry that guy!" Patuloy lang ako sa pag iyak habang nag susumbong sa kanya, as if namang makakasagot siya sa lahat ng hinaing ko sa buhay.








The Taste Of Love Where stories live. Discover now