Isang napaka liwanag na sikat ng araw ang bumungad sa'kin pag mulat ng mata. Pansin ko ding bukas na ang malaking kurtina sa kwarto ko at naka handa na din ang breakfast sa tabi ko. Paniguradong si Mommy ang nag handa nito dahil siya lang naman ang mahilig gumawa ng ganitong bagay sa'min ni Kuya.
Kinuha ko ang tray ng pagkain, napansin kong may iniwang sulat doon kaya agad kong kinuha at binasa. "Don't be silly, princess. Eat this before you leave, I love you" Automatikong napangiti ako nang mabasa ito. Paniguradong pumasok na ng company si Mom kaya hindi na niya na-antay ang pag gising ko. Na-miss ko din kasing matulog dito sa kwarto na'to, naramdaman ko ulit yung pakiramdam ng tinatawag nilang H O M E
Wait--anong oras na ba? Bakit sobrang maaraw na sa labas? Dali-dali kong hinanap ang phone ko at agad na binuksan ito.
Shit, late na late na'ko. 10AM na at may pasok ako ng 9AM, sa layo ng bahay namin sa university ko, baka hapon na'ko makarating don dahil mag aasikaso pa'ko ng sarili.
"Ma'am Fran, hinahanap po kayo ngayon ng daddy n'yo" Bungad sa'kin ng isa sa mga maid dito sa bahay. Ilang sandali pa'kong napaisip kung bakit bigla atang umuwi si daddy at bakit niya ko hinahanap. Sobrang imposibleng dahil na-miss niya ko dahil wala naman siyang ibang inaalala kundi ang business niya.
"Sige ate, sa office daw ba niya?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito sa'kin at tumango bago isara ang pintuan ng kwarto ko. Mukang business related nanaman dahil sa office niya ko pinapunta.
Pagkatapos ko mag ayos, kinuha kona ang dala kong gamit at dumaretsyo sa office. Balak kong umalis agad para makahabol sa klase mamaya.
"Dad-" Pukaw ko sa atensyon nito at lumapit sa kanya. Ang laki ng office niya, hanggang ngayon ay namamangha padin ako tuwing papasok dito dahil tanging si Kuya lang ang madalas na pumupunta dito dati.
"My daughter, how are you?" Hindi ko alam kung pinaplastic ba niya ko dahil ako nalang ang anak niya o sadyang miss niya ko kaya ang lambing ng boses niya ngayon? Hindi kase ako sanay na ganyan siya makipag usap, parang bigla nalang akong gugulatin na ipapakasal sa business partner niya para may silbi ako sa company. Shet, wag naman sana.
"Aalis kana agad nang hindi ako nakikita? nakakatampo kayo ng mommy mo" Nagtatampong sabi pa nito.
"I don't want to disturb you, Dad. I'm sorry" Sagot ko naman at lumapit sakanya para halikan ito sa pisngi.
"Hindi ka istorbo, anak" Bahagya pa itong tumawa kaya halos matulala nalang ako sa mga pinapakita niya. The fvck? Tatay ko ba talaga 'to? Sa pag kakatanda ko, hindi naman siya ganito ka vocal pag dating sa'kin?
"Frances? I am asking you to comeback here often or if you want to live here, I will ask someone to assist you with your stuff-"
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pinababalik niya ba'ko sa mansyon?
"I want you to live here, iha" Direktang sagot nito bago sumimsim ng kape sa tasa.
"Gusto ko sana pero I need to stay at my condo, Dad. Mas malapit ang university na pinapasukan ko don"
"You can transfer in our school. I will make sure to give you better learning environment and professors" Ngiting alok nito na tila ba may iba pang kahulugan. Ayokong makapag tapos sa school na pinapatakbo niya dahil alam kong lahat ng kilos ko babantayan niya. Nakakasakal, gusto kong magkaroon ng sariling desisyon sa buhay. Kaya siguro niya ko gustong kausapin dahil gusto niya kong ilagay sa lugar na may supervision siya.
YOU ARE READING
The Taste Of Love
Romance••• Under Revisions ••• "Love is sweeter the second time around"