Chapter Ten

3 0 0
                                    

CHAPTER TEN

MARAHAN PANG NAKATANAW sa kanyang bintana si Hana bago na rin tiningnan ang orasan na nasa table lamang malapit sa kanya. Maaga pa, mamaya pa darating ang taong inaasahan niya. 

Umupo na lamang muli siya sa sofa bago kinapa ang sariling puso. Kinakabahan siya. It's been so long since kinabahan siya ng ganito. Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang eksena sa coffee shop na iyon. Nitong mga nakaraang araw ay simpleng conversation rin lamang ang meron sila na nauwi na rin nga sa panibagong plano nila ng magkasama.

Maya maya pa at narinig na rin niya ang pagtunog ng phone na ikinaabot na rin naman niya mula sa mesa. Nang makita ang pangalan nito sa screen ay siya na rin lang ang napabuntong hininga. Sana tungkol sa trabaho wika na lamang niya sa isip ng sagutin ito

"Hello"

"Hi" bati nitong tila hindi alam ang susunod na sasabihin sa kanya

"Ahm, I know its on a weekend but is it possible if we could meet?" saad muli nitong ikinaisip naman niya

If iiwasan niyang kausapin ito ay parang wala rin lamang mangyayari sa buhay niya. It will remain open like what it is now. Mabuti pa sigurong ayusin na rin niya ang bahaging ito ng buhay niya kung gusto niyang makapagsimula ng bago.

"Hmmm. I think we could talk for 15 mins. Gusto rin naman kitang makausap na" wika na lamang niya rito

"I see. I'll meet you then sa coffee shop near your home? Malapit lang ako actually"

"Sure. Okay. Punta na rin ako" wika naman niyang ikipagpasalamat ng kausap bago na rin tuluyang ibaba ang linya

Hindi pa man siya tuluyang nakakapag ayos para sa pagpunta sa coffee shop ay narinig na rin niya ang tunog ng sasakyan hudyat na nandyan na rin ang taong hinihintay. Mabilis niyang kinuha na rin ang mga gamit na kailangang dalhin sa lakad nila bago sinalubong ito sa pinto.

"Ang aga mo naman ata" wika niya kay Kyo na kakalabas rin lamang ng sasakyan

"Yeah, I just thought I could wait for you if ever hindi ka pa tapos mag-asikaso" wika naman nitong ikinangiti niya

"Actually, since nandito ka na. Can I ask you to really wait for me?" saad nitong tila naging confusing sa binata

"I was actually on my way to meet Rej at the same coffee shop down the street. I thought mamaya ka pa dadating kaya kinonfirm ko na magkita kami now. Can you take me and wait for me there instead?" 

She knows it is a selfish request. But sa tingin niya ay mas magiging courageous siya knowing that Kyo will be there by the end of the conversation. After all, it's because of this man that she wanted to settle this issue once and for all.

KAGAYA NG pakiusap niya ay hinatid siya nito sa coffee shop and doon na lamang hihintayin. Hindi pa man siya nakakababa ay hinawakan nito ang braso niya.

"Are you sure you'll be okay?" pag aalalang tanong nitong ikinangiti naman niya

"Should I confess?" pagbabalik tanong naman niya kay Kyo na ikinatigil nito

Ginamit naman niya kasi ang linya nito sa kanya na naging dahilan ng pag-usbong ng nararamdaman niya ngayon. Nang hindi ito tila makapagsalita ay siya na rin ang nagduktong.

"Or maybe not. Don't worry, I'll be okay" paga- assure pa niya sa binatang kasama bago tuluyang bumaba ng sasakyan

Habang papalakad patungo sa loob ng coffee shop na iyon ay inihanda na rin niya ang sarili. Tutuldukan na niya ang storyang ito upang wala na rin masaktan pa sa kanila.

Nang makita ang taong sinadya niya sa lugar na iyon ay siya na rin ang napangiting umupo.

"Sorry to keep you waiting" wika niya rito bago na rin umayos ng upo ang binatang nasa harap niya ngayon

"Yes, sorry for asking you to meet again. Eventually, taking your time" paghingi na rin ng tawad ni Rej na ikinailing naman niya

"Nah, it's okay. So, you first. May kailangan ka ba sa akin?" pagdadaretsong tanong na rin niyang ikinahinga pa nito ng malalim bago diretsang tiningnan siya

"I found out from Alexis that you are now engaged. That the man you introduced me to - the first time we meet again was actually your fiancee" saad nitong ikinapakinig lamang niya sa binata

She expected that it will reach him. Aside sa business partners ang dalawang ito, she knows how close they are bilang magkaibigan.

"This is embarrassing to ask, but can I ask why you did not tell me the truth then? I mean you could have just told me that he is your fiancee and just slam me straight to my face" wika pa nitong ikinangiti na rin lamang niya bago sinagot

"Because he is not" saad niyang diretsang tiningnan ang binata

Hindi ito nakapagreact agad kaya nagpatuloy na rin lamang siyang i-explain rito ang nangyari. It might be kind of embarrassing to let him know exactly what is going on in her heart pero for the sake of peace, handa na rin siyang isiwalat lahat ito.

"I appreciate the fact that after all these years, nagawa mong sabihin sa akin ang totoong nararamdaman mo. When I unexpectedly met Alexis that night, I was honestly feeling kind of embarrassed. Unang una sa lahat, he was your friend and alam niya ang nangyari sa atin. Pangalawa, he witnessed all the dramas that ensued after we call off the wedding, at pangatlo, too much time has passed. When I saw him that night, the most recent memory that I recalled was of those things na I am even  embarrassed to remember" page-explain niya rito

"Kyo saw right thru me and protected my feelings by telling Alexis that I am his fiancee. Which is somehow sinakyan ko rin because I also don't want to embarrass him. After all, I know kung bakit niya ginawa iyon"

"So, you mean everything was a lie?" nagawa ng pagtatanong nitong ikinatango naman niya

"Yes. What happened that night was a lie. But because of it, kaya gusto ko ring makausap ka" saad niyang ikinabalik ng tingin sa kanya ng binata

"I am sorry I can no longer return your feelings. What happened between us was long gone. And I don't see myself falling for you again or spending the rest of my days with you. I am sorry, Rej" diretsong pagkakatitig niya sa binata na bagamat ramdam niya ang naging lungkot nito ay patuloy pa ring nagsalita sa binata

"You became so honest with me na gusto ko ring sabihin sa'yo ang totoo. I don't want you to hold on this any longer. I think five years is enough, don't you think?" wika na rin niyang kahit papano ay ikinangiti nito

"Do you like him?" pagtatanong nito sa kanyang kahit papano ay masayang ikinabuntong hininga naman niya

"My heart is just starting to open up again. So rather than sagutin kita, I think I'll reserve that sa pagkakataon na siya ang unang makaalam"

"I don't know if the lie that we started will eventually become the truth. But I just want to enjoy the 'today' that I have. For five years, I was also scared of falling for someone again. I fear na baka mangyari lang ulit ang nakaraan. In my heart, I thought I already lost hope in thinking na someday magmamahal ako ulit or ikakasal ako ulit. But now, I don't want to be defined by my past anymore" saad niyang ikinangiti rito

"You, too, should not be imprisoned by our past anymore. That's why, I hope and with this, pareho na rin tayong maka-move forward individually" 

Sa wika niyang iyon ay tila lumuwag na rin ng tuluyan ang puso niya. At maski sa lungkot na bitbit pa rin nito ay kahit papano'y umaliwalas na rin ang mukha ng lalaking kausap.

"Thank you for letting me know your heart today. And I don't think nasabi ko to sa'yo before but thank you for the three years of faithfully loving me. Thank you also for releasing me in those five years of 'what ifs'" sincere na pasasalamat nitong ikipagpasalamat rin niya sa binata

"So I guess, business relationship?" napatayong wika na niyang inilahad ang kamay dito

"I appreciate that" pagtayo na rin nitong inabot ang kamay niya upang kamayan

Sa pagtalikod niya rito ay ang tuluyan na rin niyang pagpapaalam sa nakaraan. Kasabay na rin naman noon ay ang pagbukas niya ng panibagong yugto ng puso niya. Nang matanaw niya ang paglabas ni Kyo sa sasakyan nito ay hindi na rin lamang niya maiwasang mapangiti. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng nagsisimulang pagtibok ng puso niya rito. But somehow, she is also excited to finally be free, live and love once again. 

Today is PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon