CHAPTER SIXTEEN
"SORRY, CAN'T GO. Too busy"
Iyon ang napabuntong hiningang sagot ni Hana sa chat ni Gia patungkol sa dinner nila para sa linggong iyon. Ibinaba na rin niya ang cellphone sa sariling mesa bago muling napaisip sa klase ng sitwasyon na meron siya.
It's been a week since she decided to take some distance while her heart is not yet settled. After ng Sky diving activity nila at matapos niyang makita ang saya sa mukha nito ay ginawa na rin niya ang lahat upang maiparamdam rito ang pagpapahalaga niya.
On that day, Kyo celebrated her birthday with her. And despite sa sakit na unti-unting nakakadurog ng puso niya ay ibinigay na rin niya rito ang atensyon at saya na alam niyang iiwan niya pagkatapos ng araw na iyon.
"Maybe marriage hates me" pabulong na wika na lamang niya sa sarili habang nakasandal sa swivel chair at nakatanaw sa malaking glass window sa harap niya
Before, sa pagkakataon na akala niya ay abot kamay na niya ito ay dumulas pa sa kanya ang salitang 'kasal'. Ngayon naman, after gaining the courage to at least try again, the person she liked will be marrying someone else. Hayy life...Maybe marriage will always be like a dream to her. An unfulfilled one.
Sa kadahilanan na rin na busy ang binata pagkatapos ng Cebu trip nila ay ilang araw na ring tahimik ang buhay niya. Pero ng magsimula itong kamu-kamustahin siya ay hindi na rin lamang niya maiwasang i-unseen muna ito. Hindi pa siya handang harapin ulit ito. Sa lahat din ng ginawa nito para sa kanya lalong lalo na ang pagsubok niyang maging maayos sa harap nito ay sobra sobra ng kapalit para sa binata. Hindi na dapat madagdagan pa ang pagkukunwari niya sa harap nito.
Nang tumunog muli ang phone niya indikasyon na may bagong mensahe na dumating ay kusa na rin niyang ikiniabot rito. Siya nalang muna ang tila nag-isip bago na rin sinubukan nang tumipa sa sariling screen.
"Are you okay?" pagtatanong ni Kyo sa another chat nito sa kanya na marahil ay naga-alala na rin dahil sa hindi niya pagkibo
Sa kadahilanang ayaw niyang mag-alala ito ay gagawin niya rin niyang sagutin ang binata. Mas mahirap ng masugod sa bahay dahil lang nag aalala sila.
"Sorry, I am okay. Just a lot on my plate"
Pagsagot na rin niya ritong nakita niyang madaling na-seen ng binata. Hindi pa man nagtatagal ay lumabas na ang bubbles sa tabi ng picture nitong indikasyon na nagrereply ito sa kanya.
"Okay then, mahalaga okay ka. Just let me know if I can help you with anything. See you soon"
Sa naging sagot nito ay hindi na lamang niya mapigilang matitigan ang mga salitang binitawan nito. Mahalaga okay ka if only those words can heal her broken heart. But ang mahirap ay alam niyang kasama lamang ang lahat ng ito sa balot ng pagkakaibigan nila. Ayaw na niyang mag-assume.
"Sabi na nga ba at nakatulala ka lang"
Iyon ang boses na narinig niya sa biglaang pagpasok nito. Siya na rin ang hindi maiwasang magulat lalo pa't kakasagot lamang niya sa chat nito kani-kanina.
"Oh, hindi ka ba busy sa trabaho mo, Gia?" pagtatanong niya ritong ikinailing naman ng kaibigan
"Actually, I am. But I took a break so I could drop by here" wika pa nitong umupo sa guest chair niya at mariin siyang hinarap
"So tell me Hana, pipilitin kitang umamin or hahayaan mo akong makinig lang sa'yo?"
Sa daretsang pagtatanong na iyon ni Gia ay hindi na lamang niya maiwasang mapabuntong-hininga. I guess they are indeed bestfriends for a reason.
BINABASA MO ANG
Today is Present
RomansSabi nga nila, there is always a reason why the past did not work out. And there is also a reason why present is a gift and it is called, Today. Hana Isaiah had always dreamt of getting married but unfortunately, parang nag-pass by na nga ang oras n...