Chapter Seven

7 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"MAY PINUNTAHAN lang ako sandali. Please wait for me. Babalik din ako agad"

Iyon ang mensahe pinadala ni Hana kay Kyo matapos niyang tanggapin ang pakiusap ni Rej na mag-usap sila. Somehow, sa nakikita niyang aksyon nito ay may ideya na siya sa kahahantungan ng usapan nila. Ngunit sa kabilang bahagi ng isip niya ay umaasa pa rin siyang hindi nito bubuksan ang bahaging iyon ng nakaraan. Gustuhin man niyang tumanggi ay kahit papano'y kliyente niya ito. Mas gusto niyang marinig na para sa trabaho ang lahat ng ito kaysa sa kung ano mang may koneksyon sa kanilang dalawa.

"Okay. Hintayin kita. I am still stuck sa traffic malapit sa kanto papunta sa inyo"

Nang mabasa niya ang reply ni Kyo ay sakto na rin ang pagbalik ni Rej. Inabot nito sa kanya ang isang Ice Blended drink bago na rin nagawang umupo sa harap niya.

"So, anong agenda natin today?" pagtatanong pilit na ipinagdarasal na purely trabaho lamang ito

Ilang sandali pa itong nanahimik. Tila hindi nito alam ang sasabihin pa rin sa kanya. Nakita pa niya ang malalim na pagbuntong hininga nito bago finally ay nakapagsalita na rin muli ang binata.

"Caren and I broke up" nakatungong wika nito ikinabalik niya sa direksyon ng binata

Somehow, that topic got beyond what she is hoping not to hear or happen.

"Alam kong for years, ni minsan hindi ako nag-explain sa'yo. I even left you hanging ilang araw kung saan sana matutupad iyong pinapangarap mo at pinangako ko sa'yo. But I never really admit my faults. I thought I was just pursuing happiness pero I realize, I am just being a coward trying to run away from all the pressure and pain"

"I am sorry, Hana"

After five years, she heard him apologize again for what had happened. Somehow, hindi niya malaman kung bakit on war ang puso niya. She knew it was already a part of their past yet also understand that somehow, this isn't a good memory for her. Not good for her heart.

"Rej, its already been five years. I believe you already apologized several times years ago din. Maybe we can move forward na" saad niyang pinipigil na iparamdam ditong uncomfortable siya sa sitwasyon

"I am actually expecting you would say that. Alam mo Hana, it might have been easy for you now pero sa akin, nandito pa rin"

Kasabay ng pagbasag ng mga salita sa boses nito ay nakita na rin niya ang pagtulo ng iilang mga luha na mabilis rin namang pinunasan ng binata.

"I thought I was okay. Akala ko I really made the right choice. I know I chose Caren. Pero its not really because I love her. Gusto ko lang makawala sa sitwasyon na ako ang gumawa"

"Back then, I am already pressured sa kasal. Nagkaproblema pa sa office and my finances became really unstable. Dumating sa punto na pakiramdam ko, hindi kita mabibigyan ng maayos na buhay. That time, Caren came. And we became close kasi nanggaling na rin siya sa pinagdadanan ko"

Hindi mapigilan ni Hana mapayuko na lamang habang pilit na kinokontrol ang emosyon. At this point, alam niyang kailangan rin niyang pakinggan ito despite sa maaaring maging epekto nito sa puso niya. Hearing his side for the first time, somehow, naiintindihan niya but at the same time, she knows it was still a choice he made. 

"After we broke up, I tried to make things work out with Caren. Sinubukan kong panindigan lahat ng sinabi ko but even if I am with her, ikaw pa rin inaalala ko. Ikaw pa rin naiisip ko. Kaya before we even hurt each other more, nakipaghiwalay na rin ako"

"Hana, it must have taken a while for me to get my courage back. Kinailangan kong ayusin muna ang sarili ko before I can even face you. I am really sorry but please know my feelings remained the same. Then and now, I still love you"

Today is PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon