CHAPTER SEVENTEEN
NAPAINOM NA RIN lamang ng biniling fruit tea si Hana habang naghihintay sa coffee shop na iyon. Ilang lunok pa ang ginawa niya bago finally ay nakita ang lalaking inaasahan sa oras na iyon.
"Sorry, I made you wait"
Iyon ang nakangiting bati ni Kyo bago ito magiliw na umupo na rin sa harap niya. Nakasimpleng ayos rin lamang ito. Kadalasan na get up ng binata sa tuwing magkikita sila ng weekend.
"Sorry, hindi rin kita masyadong narereplyan these days" wika na rin niyang iniabot na rin rito ang inorder na fruit tea para sa binata
This is how they usually are kapag nagkikita sa labas. Kapag alam nilang malapit na ang isa ay ibinibili na rin nila ito ng maiinom.
"Nah, I know you're busy. Nasabi rin ni Gia sa aking pinuntahan ka daw niya sa opisina mo, and that you are really loaded" pagsagot pa nitong ikinangisi ng kabilang bahagi ng utak niya
Loaded siguro ng emosyon. Kaibigan nga niya ito, nagawa pa siyang pagtakpan pag iisip nalang niya sa ginawa ni Gia para sa kanya
"Anyway, may plan ka ba today?" pagtatanong na niyang ikinatango naman nito
"Meron, may sasabihin rin sana ako sa'yo pero ikaw muna" wika pa nitong ikinabaling naman niya
"Okay. Actually, may itatanong lang ako sa'yo " pagsasaad niyang sa puntong iyon ay hindi maiwasang ikalungkot
Nang marahil siguro ay nakita ni Kyo ang pagbabago sa ekspresyon niya kung kaya't taimtim na rin lamang itong nakaabang sa sasabihin niya.
"Are you pushing through with your marriage plan? I mean, kagaya noong sinabi mo sa akin sa Cebu. Are you really planning on getting married?" daretsang pagtatanong na nitong halatang ikinaisip rin ng binata
"I am" pagsagot naman nitong sa puntong iyon ay ikinakirot muli ng puso niya habang tila walang biro sa naging salita at tindig nito
"Will you be happy if you get married?" pagtatanong muli niyang maliit na ikinangiti naman nito
"Sa totoo lang, I am not sure if I am even qualified for marriage. But if you are asking kung magiging masaya ba ako if I marry this person? Then the answer is - yes" page-explain pa nitong kita niya ang saya sa mga mata
"I honestly know where it all started. Mula sa unang pagkikita, sa trabaho naming dalawa, maging sa unti unting pagkakakilanlan. One thing I know is for sure, I did not think about this impulsively. Rather, I waited for this. And is still waiting for the right time" saad ng binata bago nakangiti muling ininom ang hawak nito
Her wife will indeed be blissful. Siguro ang ganda ganda nito para magkaganito ang kaibigan niya. That's why he is thinking positively about it kagaya na rin ng isinagot nito kay Gia at Travis noong gabing iyon
"Then honestly, we can't be like this anymore" pagsagot na niyang sa puntong iyon ay tila ikinagulat ni Kyo
"What?" hindi maiwasang pagtatanong nitong naguluhan bigla sa reaksiyon niya
It's not as if she is breaking up with him but it felt like she is. Ang sakit pa rin pala talaga sa puso.
"Kyo, I think you are kind of dense" mahinang wika niya ritong pinilit na ngumiti sa binata
"I like you. Or should I say, I fell in love with you" daretsang pagbaling na niya ritong halatang ikinagulat ng lalaking nasa harapan niya
"I know, hindi dapat. I know this will ruin our friendship. I tried to hide it at first but eventually, inembrace ko yung katotohanan because believe it or not, it made me strong. It made me strong to finally move forward..." wika niyang sa puntong iyon ay hindi na niya napigilang ikacrack ng boses niya
BINABASA MO ANG
Today is Present
RomanceSabi nga nila, there is always a reason why the past did not work out. And there is also a reason why present is a gift and it is called, Today. Hana Isaiah had always dreamt of getting married but unfortunately, parang nag-pass by na nga ang oras n...