Chapter Two

3 0 0
                                    

CHAPTER TWO

"WALA KA BANG date na kasama?" iyon ang pagtatanong sa kanya ni Gia ng puntahan niya ito sa sariling kwarto

May ilang minuto pa bago magsimula ang kasal at kasalukuyan niya itong tinutulungan mag-ayos. Sila na rin lamang dalawa ang nasa loob matapos na rin magsilabasan ang lahat para sa simula ang bagong yugto ng buhay nito.

"Wala. Ano pa bang ine-expect mo?"

"Oo nga naman. Nagtanong pa ako. Anyway, kamusta naman iyong lakad mo kagabi? Nakauwi ka naman ba ng safe?" pagtatanong nitong ikinabaling niya sa kaibigan

"Yes, safely arrived pero ang weird weird ng nangyari kagabi" saad naman niyang iniabot na rito ang bulaklak

"Bakit? Anong nangyari?" 

"Nothing special, weird lang talaga. Anyway, handa ka ba talaga sa desisyon na'to?" pagtatanong naman niyang ikinangiti naman nito

"Oo naman. Alam mong hindi rin naging madali lahat ng ito. Kaya ikaw, be prepared too. When GOD says its time for you to walk down the aisle, you have no choice but to say 'yes'"

"I know. I know. I am not meant to live alone, right?" nakangiting wika na rin niyang ikinatango nito

Sa pagngiti nila sa isa't isa ay tuluyan na rin ngang bumukas ang pinto para sa abiso na oras na para magsimula. Siya na rin naman ang nagpaalam rito bago tuluyan na rin lumabas para makapwesto na rin siya sa entourage bilang maid of honor nito. Maya-maya pa ay narinig niya ang coordinator ng kasal ng kaibigan at ang paga-advise nitong pumosisyon. Siya na rin naman ang napabaling sa nag-abot sa kanya ng bulaklak bago naramdaman ang pagpwesto ng isang lalaki sa harapan niya. Nang lingunin siya nito upang probably ay batiin ay siya na rin ang nanlaki ang mga mata. Maski ito ay napaatras ng makita siya.

"Ikaw?!" hindi maiwasang titig nila sa isa't isa na mabilis na rin naman ikina-process ng utak niya

Best Man? Tatatanungin pa sana niya ito ngunit hindi na niya nagawa dahil kinuha na rin ang atensyon nila. Sa ilang segundo ay nagkaroon na rin sila ng distansya. Nakapwesto na ito sa harap habang naiwan naman siya sa likod. Hindi ba niya alam. She's been with Gia for quite a long time at kilala rin naman niya si Travis sa tinagal-tagal na rin ng panahon pero hindi ba niya alam kung paano naging related ang dalawang ito? Oo, alam niyang kaibigan ni Travis ang best man nito pero ang lalaking ito iyon? 

Nang magsimula ang seremonyas ay nawala na rin sa isip niya ang tungkol sa lalaking kasalukuyan na niyang katabi sa mesa. Hindi man niya napansin ay mas nagtuon siya sa duties and responsibilities na meron bilang maid-of-honor lalo pa't ito ang first time na gagampanan niya ang ganoong tungkulin. Minsan talagang salot rin ang pagiging competitive at perfectionist niya e.

Marahil sa tagal rin niyang nasubaybayang ang storya ng kaibigan ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya sa bawat salitang binibigkas ng kaibigan sa vow nito. Seeing her bestfriend cry, maski siya ay hindi maiwasang matunaw ang puso sa mga binibigkas nito.

"Here" pag-aabot nito ng tissue ng katabi niya sa kanya na hindi naman niya maiwasan ikabalik sa pag-iisip

"Thank you" bigkas na lamang niyang pinunasan ang luha at nagbabadyang sipon na kaakibat nito

"You look tough. I can't imagine na marunong kang umiyak"

Sa narinig niyang saad nito ay hindi naman niya maiwasang mapabalik ng tingin rito. Hindi niya alam kung compliment ba ang sinabi nito o insulto.

"What?" hindi na lamang maiwasang reaksiyon rito

"Please don't misinterpret. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong ginawa mo kagabi. Its just that, you look strong but you can actually cry" pagsarkatisko pang ngiti nito hindi na lamang niya maiwasang ikasinghot bago inirapan ito

Today is PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon