CHAPTER NINE
NAGUGULUHANG napakamot na rin lang ng ulo si Hana matapos bumalik sa isipan ang nangyari noong nakaraang gabi. Hindi pa rin niya mawari if mali lamang ba siya ng pagkakaintindi o katulad talaga iyon ng iniisip niya.
"Should I confess?" wika ni Kyo na hindi mapigilang ikatigil ni Hana
Seryoso itong tila binabasa ang ekspresyon niya. Hindi naman niya maiwasang mapalunok sa naging reaksiyon na rin ng puso niya sa sinasabi at pinapakita nito.
"or maybe not" wika nitong binawi ang tingin at sinimulan ng magsuot ng seat belt
Siya na rin naman ang hindi maiwasang sundan na lamang ang inaasta nito at nagseat belt ng sarili habang nagtuloy na rin itong magmaneobra at umalis sa lugar na yun. There was an awkward silence between them. And she doesn't know if timing bang magsalita siya or magmumukha lamang siyang trying hard na marevive ang conversation nila.
"Would you like to go somewhere else?" wika muli nitong binalingan siya ng tingin
"Hmm, no. Wala na naman akong maisip" sagot na lamang niyang umiling rito bago tumanaw sa labas
Sa ilang minutong naging byahe nila ay hindi na lamang niya maiwasang mapabaling sa bintana at manahimik. HIndi na rin umiimik si Kyo sa kanya hanggang mahatid na nga rin siya nito sa bahay niya. Isang maliit na ba-bye at ngiti na lamang ang pinakawalan nito bago na rin pinaandar ang sasakyan.
Sa pagbalik niya sa ala-alang iyon ay mabilis na rin niyang binaba ang librong binabasa at tumayo sa pagkakahiga. No, she needs to stop thinking that way. Kyo is her friend. What did she say about him? Right. He is too precious to lose. Kasabay ng pagsubok niyang i-convince ang sarili sa estado ng binata sa buhay niya ay hindi niya maiwasang mapaupo sa sahig.
"I am losing it. I am definitely losing it" mahinang wika na lamang niya sa sarili
Hindi man niya verbally aminin, she knows that somehow, hindi rin niya maconvince ang sarili niya. Her heart started to expect. Now, she is bothered kasi mukhang di niya kayang panindigan ang sinasabi niyang iingatan niya ito by not falling for him.
"Waaaahhhhh" nafu-frustrate na wika niyang ginulo muli ang sariling buhok
Habang nakasalampak siya sa sahig ay ang pagsunod namang ikinatunog ng phone niya. Inabot na rin lamang niya ito mula sa bulsa bago sinagot ang kaibigang tumatawag.
"Hello?"
"Hello-Hello ka diyan! May hindi ba kami nalalaman?" saad ni Gia sa kanya na ikinaisip naman niya
Hinuhuli kaya siya nito sa nararamdaman niya? Pero ganoon kabilis? Paano naman kaagad malalaman iyon ni Gia?
"Ha? Anong dapat malaman?" wika niyang ikinabuntong hinginga nito bago muling nagsalita
"Check your phone, I sent you a screenshot message"
Sa sinabi nito ay hindi na lamang niya maiwasang sundin ang kaibigan bago na rin nga buksan ang app kung saan sila madalas magusap. Sa nabasa sa screenshot message nito ay hindi na rin lamang niya maiwasang mandilat sa naalala.
It was one of their mutual friends saying - that just as she expected last night - about her engagement and incoming wedding. Ang bilis ng balita
"Kita mo na?" pagtatanong nitong hindi malaman paano sisimulan ang eksplanasyon sa kaibigan
"Yeah. About that..."
"Actually, save your explanations for later. Nasa labas kami ni Travis and we are on our way to our usual coffee place. I guess, see you there? Wala ka namang trabaho, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Today is Present
RomanceSabi nga nila, there is always a reason why the past did not work out. And there is also a reason why present is a gift and it is called, Today. Hana Isaiah had always dreamt of getting married but unfortunately, parang nag-pass by na nga ang oras n...