CHAPTER TWELVE
"TO ALL PASSENGERS of Philippine Airlines flight PR25** bound for Cagayan de Oro, please proceed to gate number ** for boarding..."
Parehas na silang nagkatitigan ng taong kasama bago sabay na ikinatayo at dumaretso sa gate para sa boarding nila. Ilang minuto pa ang naging pagpila nila at pag asikaso ng mga gamit matapos makapasok ng eroplano . Nang makasettle sa kinauupuan ay hindi na rin naman niya maiwasang mapalalim ng hininga. This is it, finally!
Nang lingunin niya si Kyo ay naghahanda na rin ito sa magiging mahigit isang oras na byahe nila. Hindi naman niya maiwasang mapangiti sa pigura nitong nag aasikaso ng sariling gamit. She knows this week was a tough one for this man but she is just so thankful na despite sa busy schedule nito at tila pagod dahil galing pang trabaho ay nagawa pa ring samahan siya.
Siya na rin naman ang mabilis na nginitian ito ng bumaling na rin ito sa kanya. She thinks tanggap naman nito ang trip niya.
"Something wrong?" pagtatanong nitong ikinailing naman niya
"Nah, I am just so thankful na sinamahan mo ko despite sa fact na this is a busy season para sa kompanya mo" wika naman niyang ikinabukas na ng librong tila babasahin nito sa byahe
"Busy ka rin naman, hindi ba't hindi ka nga makausap for the past five days? Isa pa, you told me matagal mo ng gustong gawin ito. Naiayos at naitugma rin naman natin ang schedule ng isa't isa so no worries" kalmadong saad pa nitong ikinatango naman niya
He's right. When she had the chance to finally fulfill those plans, she really worked hard this week so that sigurado siyang ano man ang mangyari, makakaalis siya ng matiwasay without worrying about her own business.
"But still, ngayon palang, thank you"
"You're welcome then"
Malamyos pa siyang binalingan nito at nginitian bago na rin kalmadong bumalik sa binabasa. Hindi na rin naman niya maiwasang mapatitig sa pababang araw mula sa bintana kung saan siya nakaupo. Thank You, Lord wika na lamang niyang napapikit habang patuloy na nag-uumapaw ang saya sa puso niya
NANG MAKALAPAG ang eroplanong sinasakyan niya ay nagpatuloy na rin sila upang makuha naman ang sasakyang nirentahan sa susunod na mga araw na mamalagi sila roon. Mabilis rin naman ang naging transaction dahil nasettle na rin naman nila ito nito pa mang pinlano nila ang magiging lakad. Hindi na rin nagtagal ay mula sa Laguindingan airport ay bumyahe na rin sila ng almost an hour papunta sa destinayon.
Parehas pa sila ni Kyo na hindi maiwasang mapatitig sa daan. Madilim ang lokasyon nito papaakyat ng bundok pero base rin naman sa GPS na sinusunod nila ay tama lamang ang daan na tinatahak nila.
"Hirap maging turista" wika ni Kyo na parehas nilang ikinatawa
Hindi rin naman nagtagal ay nakita na rin nila ang sunod sunod na hotel resort sa lugar. Kalaunan ay natanaw na rin nila ang sariling destinasyon. Nang makapagpark at makapasok sa loob ay kanya kanya na rin silang check in sa tig isang kwarto binooked nila.
Since nakakain at gabi na rin naman, isama pa ang katotohanang galing pa sa trabaho ang kasama niya ay nagdesisyon na rin lamang silang magpahinga sa kanya kanyang kwarto. Nang makapasok sa loob ng magsisilbing pahingahan niya for the next nights ay hindi na lamang niya maiwasang mabilis na mapahiga. Let's just rest for tonight. Tomorrow is the start.
PAGKAGISING KINABUKASAN ay nagkasabay pa sila ni Kyo lumabas ng pinto para makapunta sa restaurant kung saan sila naka assign magbreakfast. Nakaayos na ito at tila ready na sa panibagong araw. Habang siya ay pakamay pang sinusuklay ang buhok na nagulo sa kanyang pagtulog.
BINABASA MO ANG
Today is Present
RomanceSabi nga nila, there is always a reason why the past did not work out. And there is also a reason why present is a gift and it is called, Today. Hana Isaiah had always dreamt of getting married but unfortunately, parang nag-pass by na nga ang oras n...