Chapter Eighteen

4 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

SA PATULOY NA pagliwanag ng buwan sa paligid nila ay ang pagliwanag na rin ng pigura nito sa harap niya. Hindi maiwasan ni Hana na mapatulala ng makita ang seryosong pagkakabaling rin nito sa kanya.

"What are you doing here?" hindi maiwasang pagtatanong niya sa binata habang hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla

"Why? Too surprised to see me?" seryosong balik tanong na saad naman nitong ikinalunok niya

Seeing him is still not good for her heart. Mahirap pa rin makita ito sa sitwasyon kung saan lumalaban ang puso niya sa utak niya. Sa kagustuhang makasama pa rin ito versus sa resonableng dahilan na hindi siya ang pinili nito.

"You are not supposed to here" saad naman niyang ramdam niyang ikinailing naman ng binata

"You are not supposed to be here either. But you are here" wika pa nitong bumuntong hininga bago muling hinarap siya

"Nandito ka ba para makalimot or nandito ka para makaalala?" sa pagtatanong na ito ay siya na rin ang hindi nakasagot

She knows what he is pertaining to. Makalimot kagaya ng nakagawian o makaalala dahil dito sila unang nagkakilala. Somehow, the confidence in him knowing na mahal niya ito ay ramdam na ramdam niya ng mga panahon na iyon. But despite all that, she can't seem to find the courage to answer his question. Probably because deep inside her heart, she also wanted to be there to remember.

"Nandito ka ba para makalapit sa paraang alam mo or para patuloy na takasan lang ako?" pagsunod na tanong nitong ikinabaling naman niya sa binata

Sa puntong iyon ay hindi na lamang niya mapigilang balingan ito. Wala siyang dapat i-explain. That's right, she loved him. But he should not weaponize it just so she could hurt her more.

"I have nothing to explain" saad na lamang niyang ikinabaling na lamang niya muli sa labas

"I don't know why you are here. I don't need to know too, either. But please, alam kong by these time, you clearly know what I feel about you. Please don't use it against me. Alam kong nasaktan rin kita, and if you are here for that, I am sorry again. But please, do not use my own feelings against me. Kasi sa sitwasyon ko ngayon, alam kong alam mo na nahihirapan rin ako. So please, let's just spend this time in peace. Wala ako sa mood makipagtalo sa'yo" mahabang wika na rin niyang hindi na nilingon pa ito

Tila ilang segundo pa ang lumipas bago maya-maya ay naramdaman na lamang niya ang paghila nito kasabay ng mabilis na rin na pagyakap sa kanya ng binata. Sa naging daloy ng pangyayari ay hindi na lamang niya mawari ang sarili sa sitwasyon.

"You are still as straightforward as ever" mahinang wika nito habang mariin na nakayakap sa kanya

Tahimik pa rin ang paligid. Wala pa ring ilaw except sa sinag ng buwan na nagsisilbing liwanag nila. Sinubukan pa niyang kumawala sa pagkakayakap nito pero mas naging mahigpit iyon. 

Hindi man niya kasi gustuhin ay unti-unti nanamang lumalabas ang mga luha niyang nanlalaban sa sitwasyon. Siya na rin naman ang muling napukaw ang atensyon ng magsalita ito.

"You think that I am dense? I think that you are too, baka nga mas higit pa kaysa sa akin" natatawang saad pa nito

"I told you, right? The first time, I met you here. That I didn't save you just because ako yung nandoon but because I was looking at you. Unlike you who probably discovered your feelings later on, ako? I fell in love with you the moment I saw you" patuloy na wika nitong ikinapamaang niya sa narinig

Tila tumigil magfunction ang utak niya sa sinasabi nito. Ito? Unang nagkagusto sa kanya?

"Nung napagkamalan mo akong carnapper, though  it is true na nasa Casa yung sasakyan ko and it was for a different reason, but there was really a motive involved. And that was to actually get close to you. Akala ko hindi na rin kita makikita after that. I actually thought I missed my chance. But I think it was God's way of allowing me to see na kapag will Niya, mangyayari at mangyayari. I still believe it was Him who led me to see you in the least place and least circumstances I expected us to be. Who would have thought na bestfriend ka ni Gia, hindi ba?"

Today is PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon