“You are a war, Cremo, a war I want to win and conquer.”
"Bakit ba hindi maalis sa isip ko 'yon?" napapasapo sa noong sigaw ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
It's been three days since Novy told me that pero hindi talaga maalis sa isip ko. Tuwing makikita ko ang sarili ko, at tuwing wala akong ibang bagay na iniisip ay 'yon ang una kong naaalala.
"Lalagnatin yata ako." sinalat ko ang aking sarili at uminom ng malamig na tubig.
I spend my day thinking about other things, at iniiwasan kong maalala si Novy pero kahit anong gawin kong iwas ay nauuwi talaga sa kan'ya. I gave up, I need something else to do.
As I was about to grab my things and go to mall, my phone’s screen lit up. Someone messaged me.
Anon.
Wala kang pasok? Date tayo ;)
Halos manlumo ako sa nabasa ko.
Me.
Wala pa akong tulog, hindi maayos ang hitsura ko.
Anon.
Okay lang 'yan, bet you still look good.
I sighed, hindi n'ya ako titigilan. I need to accept the fact that this guy, Mr. November, won't back out so easily.
Me.
Corny, magbibihis lang ako.
Sa'n tayo?
Anon.
Sunduin kita, unit 404.
Me.
How the fuck did you know?
Anon.
Secret :p
Hindi ko na s'ya nireplyan. I have a guess kung sino ang nagsabi sa kan'ya kung saan ako nakatira, pero sa susunod ko na 'yon iintindihin. What I need to pay my attention is..
Anong susuotin ko?
I tried wearing a casual top and shorts pero parang hindi bagay? Mukha akong totoy na hindi ko maintindihan, and I am already 29 years old. Sinubukan ko rin ang black pants at white polo, masyadong formal, mukhang hindi date ang pupuntahan ko.
It took me an hour to finalize my outfit, I ended up wearing black shirt and beige pants together with white pair of rubber shoes.
Pagkatapos kong mag-ayos ay sinigurado kong nakapatay na ang kalan, sarado ang gas tank at nakabunot na rin ang ibang appliances bago ako naupo sa sofa para mag-intay ng message.
Anon.
I'm here, labas ka na.
My feet automatically stand up as I read his message, pati ako nagulat din sa naging akto ko. Am I too excited to go on a date? At bakit naman ako mae-excite?
"Uh. I really need to stop talking to myself or else I'll end up inside a mental facility!" I mumbled walking towards the door and open it, revealing a man with gray polo shirt and maong shorts.
"Naghintay ka ba ng matagal? Sorry, traffic papunta dito eh." he said, brushing off his hair backwards and smiles.
Hindi kaagad ako nakasagot. Naiwan akong nakatulala sa kan'ya, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.
"Ayos ka lang? Namumutla ka, doc." nag-aalalang tanong n'ya at balak pa sanang hawakan ang mukha ko pero mabilis akong umiwas.
"U-Uh, let's go. May pasok pa ako mamayang 6 PM." nauutal at nagmamadaling sabi ko bago maunang lumabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...