Chapter 9

55 3 1
                                    

"Mayabang ka!" singhal no'ng isang lalaki at susuntukin sana si Novy, pero mabilis itong nakailag at tinadyakan s'ya sa sikmura.

Tumalsik iyong lalaki sa lakas ng ginawa ni Novy at maging ako ay nagulat do'n.

"Oo, mayabang ako. 'Yon ba ang problema mo?" si Novy.

This is the very first time I'd ever see him get mad, very mad. Walang emosyon ang mukha n'ya ngunit sobrang talim ng kan'yang mga mata.

Kung ang tingin nga lang ay nakamamatay, patay na 'yong lalaki. Pagulong gulong na ito sa sahig at nakahawak sa sikmura. Hindi n'ya na magawa pang tumayo at magsalita.

Lalapit na sana ako ro'n sa lalaki para tignan ang lagay n'ya pero may humawak sa kamay ko. Si Dustin.

"Kailangan ko s'yang tulungan." giit ko.

"Hindi ikaw ang kailangan tumulong, Cres, sila na ang bahala d'yan."

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan n'ya at nakita ang tatlong security guard. Una nilang inasikaso iyong isang lalaki, inalalayan iyon ng dalawa paalis sa lugar at ang isa ay naiwan upang kausapin si Novy. He didn't panic kahit kaunti.

"What happened?" tanong ni Jad, kasama n'ya si Zandro at Col.

Hindi ko s'ya sinagot, hindi ko rin kasi alam kung ano talagang nangyare. Hindi naman magkakagano'n si Novy kung mababaw lang ang dahilan.

"Salamat, boss, pasensya na ulit sa gulo." dinig kong paumanhin ni Novy at lumingon sa gawi namin.

Bumuntong hininga s'ya at naglakad papalapit.

"Ano ganap, Kap? Bakit nagkagulo?" pag-uusisa ni Zandro.

"Bastos e, nahuli ko kaninang dinidikitan yung babae 'di sinagi ko. Ayun, nagwala." paliwanag n'ya at bumuntong hininga.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Ayos lang ako." he assured, ako naman ang bumuntong hininga.

Hindi na rin kami nagtagal do'n sa lugar at humanap na ng p'wedeng kainan. Mabuti na lang at hindi na kami gaanong lumayo pa. May malapit na kainan kaming nadaanan pabalik sa apartment.

Tahimik lang kaming lahat kumain, feeling ko ay naging kakaiba ang ihip ng hangin dahil sa gulong nangyare kanina. Hindi naman ako galit, naiintindihan ko si Novy. He did that to protect himself, but still, sana ay hindi n'ya nalang pinatulan.

"Uy, puro kuliglig na lang naririnig ko eh. Ayos lang ba kayo?" si Col, nagpapalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Novy.

Nag-angat ako ng tingin at tumango. Muli akong nagpatuloy sa pagkain at naunang lumabas ng karenderya pagkatapos.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang reaksyon ko. Nagulat lang siguro ako. 

Naramdaman ko nang may tumabi sa akin sa labas, hindi ko s'ya nilingon ngunit amoy n'ya pa lang ay kilala ko na. Naupo s'ya at nagsindi ng sigarilyo.

"Pumunta ka ba dito para usukan ako?" inis na tanong ko kay Jad.

He's a smoker, pero hindi naman madalas. Nakikita ko lang s'yang naninigarilyo kapag nas-stress s'ya o 'di kaya ay gustong makapag-isip. And I think, it's the latter.

"Pumunta ako dito para kausapin ka. Bakit hindi mo kinikibo si Novy?" nag-angat s'ya ng tingin.

"Kinakausap ko naman, wala lang ako sa mood, Jad." pagpapakatotoo ko.

"Wala ka sa mood? O' nabigla ka sa side na nakita mo kay Novy?" I was taken aback by his question, napakadali ko talaga siguro basahin.

I sighed and sat beside him.

KUNDIMAN (Midnight Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon