Chapter 3

55 5 0
                                    

Buong gabi ay inisip ko ang sinabi ni Novy sa akin kahapon, hindi ko alam kung tama ba talaga ang sinabi ko o nabigla lang ako kaya naging gano'n ang sagot ko.

I-message ko kaya? 'Wag, baka isipin n'ya interested din ako. But am I interested?

"Problemado ka d'yan?" tanong ni Jad, maaga kaming pumasok ngayon.

"I have a question." kaagad ko s'yang nilingon.

"Sige, 'wag lang Mathematics. Bobo ako ro'n eh, 'di ko nga alam paano ako gumraduate ng college eh." nangangamot sa ulong sagot n'ya, inambahan ko naman s'ya ng suntok.

"Seryoso kasi, hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin." I bit my lower lip and gestured for him to sit.

"Ano ba kasi 'yon? Namomroblema na nga ako, dadagdag ka pa—"

"Makikinig ka ba o hindi?"

"Makikinig na nga, napakapikon!" inambayan n'ya rin ako bago nagseryoso.

"How would you know if you like or you're interested in someone?" kinakabahang tanong ko.

Tinignan n'ya lang ako mula ulo hanggang paa at malakas na tumawa. Hinampas ko pa ang balikat n'ya dahil nilingon kami ng ibang doctor at nurse na dumadaan sa tapat ng room. Bukas na bukas pa naman yung pinto.

"Ano ka ba? Parang gago." suway ko.

"Ako pa? Laughtrip naman 'yan eh, how would I know? Syempre sarili ko 'to, alam ko kung gusto ko o hindi." ngingisi ngising sagot n'ya, and it actually makes sense in the weirdest way it can.

"So, you mean is.. I can know it myself?"

"Paulit ulit, malamang! Mararamdaman ko ba kung gusto mo isang tao? Hindi ka naman obvious!" singhal n'ya.

"E' bakit ka nagagalit?" nangunot ang noo ko at sinamaan s'ya ng tingin.

"Because you're making it hard for yourself. You're doubting your feelings kasi ikaw mismo ayaw mo sa feelings mo. Tayog ng pader mo." dinutdot n'ya ang kaliwang dibdib ko bago tumayo.

"Kung ako sa'yo, magbababa ako ng pride. Hindi naman 'yon nakakamatay." tapik n'ya sa balikat ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Dahil sa sinabi ni Jad ay mas lalo akong nalito, masyado ko nga lang kaya dinedeny na ayaw ko? Nasanay lang kaya talaga ako na mag-isa sa buhay?

O natatakot ako kasi ayokong masaktan?

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng kwarto at pumunta ng ER. Kanina lang ay naayos ang schedule ko, balik ER na naman ako.

"Doc, may dalawang patient tayo." sabi ni Regine, 2nd year resident.

"Estimated time of arrival?" tanong ko at inayos ang coat ko.

"Within 30 minutes, doc. Galing Las Piñas pareho, car accident." sumulyap s'ya sa orasan at tinignan ako ng diretso.

"Condition of patients?"

"Yung isa critical, may bakal na nakatusok sa may dibdib at yung isa naman ay walang malay. So far, stable ang vitals noong walang malay, at bumababa naman ang bp noong isa."

"Hmm, Lily, pakihanda ng OR." nagmamadaling sabi ko, pero nagulat ako nang hindi s'ya kumilos.

"May nakaschedule po na operation mamayang 9 PM, hindi po pinagagamit ng director yung dalawang OR."

"What?" inis na tanong ko. "Wala akong nakita sa list, Lily, emergency ba 'yon?"

"Both e-elective surgeries." nag-iwas s'ya kaagad ng tingin at yumuko.

KUNDIMAN (Midnight Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon