When I got home, I placed the flowers on the vase to keep it fresh. I was so surprised earlier that I thought Novy already came back, I tried to check my phone to see if he's online but no. I guess it was really a scheduled delivery.
Me.
The flowers are so pretty, thank you :(
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga bulaklak habang nakangiti ng malaki. I don't know why I feel so happy, lahat ng lungkot at tila pagkawala na nararamdaman ko noong mga nakaraang araw ay nabura ng dahil dito.
Kinahapunan, nakangiti pa rin ako habang nag-aayos bago pumasok ng trabaho. Bawat kilos na gagawin ko sa loob ng unit ay hindi maaaring hindi ko susulyapan iyong mga bulaklak. Sa tingin ko ay malapit na nga talaga akong mabaliw dahil sa isip ko ay nakangiti rin sila pabalik sa akin. It was weird and hilarious, but it is true.
I feel so delighted and inspired. I've never been like this.
"So, sino si 11th?" mapaghinalang tanong ni Jad, he kept on asking who's that person but I can't tell him yet. Baka mausog, delikado.
"You'll meet him soon, promise. 'Wag mo na akong kulitin." natatawang sagot ko at naupo sa bench sa rooftop.
Maaga kaming pumasok ni Jad dahil hindi n'ya nga ako tinatantanan. Ang sabi ko ay tutulong na lang kami sa paga-assist sa ER pero ang sabi no'ng nurse do'n ay hindi naman daw gano'n karami ang patients kaya dumiretso na lang kami sa rooftop. Presko ang hangin at palubog na rin ang araw.
"Akala ko pa naman best friend kita, naglilihim ka na sa akin ngayon." panunumbat n'ya at iiling iling, "Wala, isa kang taksil sa pagkakaibigan natin."
"Sira, parang tanga Jad!" hinampas ko ng mahina ang balikat n'ya at inabot iyong binili naming burger sa drive thru, "There's nothing to tell kasi, it was just uh.. complicated situation?"
"Complicated.." pag-uulit n'ya, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko, "Complicated pero may pa-bouquet?"
"Wala akong alam about do'n, okay? Hindi ko rin alam na may gano'n." nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang burger ko.
"Sus, baka naman maunahan mo pa ako mag-asawa n'yan?" biro n'ya, muntikan pa tuloy akong mabulunan.
"Asawa ka d'yan? Engot!" binatukan ko s'ya.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pag-aasaran habang kumakain. Gusto ko rin i-kwento si Novy kay Jad, I really want to pero hindi ngayon. Marami pa akong bagay na kailangan i-sigurado, lalong lalo na sa patutunguhan ng pag-iintay ko.
Past 7 PM when I entered the OR again, another major surgery for 8 hours. Ngalay na ngalay ang balikat at kamay ko nang matapos kami. Maayos akong nagpaalam sa kanilang lahat at naunang lumabas ng kwarto at hinubad ang suot kong scrub. Sinilip ko rin ang kabilang kwarto, hindi pa tapos si Jad. Parehong oras kami nagsimula ngunit mas madugo ang operation na ginagawa n'ya.
So, I decided to wait for him inside our room. May double-deck na kama ro'n kaya nahiga muna ako upang ipahinga ang likod ko. I didn't even realize when I dozed off, nagising lang ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa paa ko.
"Akala ko umuwi ka na eh, babatuhin ko na sana ng kamatis unit mo." nilingon ko si Jad, nakahiga rin s'ya sa couch at nags-scroll sa cellphone.
"Anong oras na ba?" tanong ko at tumayo. Naupo ako sa tabi n'ya.
"7:30, 6:15 natapos yung surgery eh." naupo s'ya, "Oh, pagbaba ko akala ko talaga umuwi ka na. Hindi na sana ako bibili ng almusal, buti nalang nakita ka ni Lily." pagkukwento n'ya at iniabot ang binili n'yang pagkain.
"Salamat, pasensya na hindi ko talaga napansin." nahihiyang sagot ko, sobrang haba pala ng tulog ko.
"Hind ka ba nakakatulog ng ayos sa inyo?" tanong n'ya at inalis ang ibang gamit na nasa lamesa para magamit namin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...