I still can't believe I've waited for months, bago sa akin ang nararamdaman ko. As a person who prioritizes work over anything, this is very amusing for me.
"Thank you, Novy." sinsirong bulong ko, "Not just for this, but also for coming back."
Niyakap n'ya ulit ako, at kasabay noon ay ang malakas na sigawan mula sa likuran namin pareho. Nang mahagip ng mata ko si Jad ay doon ako bumitaw.
Shit, how do I explain this? Or do I even need to explain? E' mukhang nakita n'ya na lahat at kasabwat s'ya ni Novy.
Bukod kay Jad ay may tatlong lalaki pa na lumapit sa aming dalawa. Hindi ko sila kilala at wala rin akong ideya kung sino sila.
"Corny n'yo, pakyu!" sabi ni Jad at sinamaan ako ng tingin, inismiran ko s'ya at nilingon iyong tatlong lalaki.
"Panalong panalo, Kapitan!" usal no'ng isa, s'ya ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo.
"Oo nga, Kapitan, kaya naman pala atat na ata ka mag Baguio eh. Buti na lang nandito rin baby ko!" sabi naman no'ng isa pa, pangalawa sa pinakamatangkad. Lumapit s'ya at inakbayan si Jad.
What the hell?
"P'wede ba Zandro, baka hindi kita matantya ibalibag kita dito!" angil ni Jad at inalis ang braso n'ya.
"HAHAHAHAHAHA, kawawa!" pang-aasar noong matangkad na lalaki kanina.
"Puro kayo katarantaduhan." naiiling na sabi ni Novy at tinawag silang tatlo.
Bumuo sila ng diretsong linya sa harapan ko, magkakasunod ayon sa tangkad. Ang pinakamataas ay nasa kanan, at pinakamababa ang nasa kaliwa.
Isa isa silang lumapit sa akin at nakipagfist bump. Una na 'yong nasa kanan, s'ya lang ang tahimik sa tatlo.
"I'm Dustin, Dust for short." he introduced himself very well, ngumiti lang ako bilang sagot.
Sunod na lumapit naman ay 'yong umakbay kay Jad kanina, iyong Zandro ang pangalan.
"Zandro, pogi nalang for short." sabi n'ya, kaagad s'yang binatukan ni Novy. "Joke lang, Kap! Zandro nalang hehe." nagpeace sign pa s'ya kaya natawa ako.
"Coleen, Col nalang. One call away.." I almost burst out laughing when he sang, it was out of tune.
Nanatili silang tatlo na nakatingin sa akin kaya nagtaka ako, nilingon ko si Novy. Naghahanap ng sagot kung ano ba dapat ang gawin ko.
"Ano na, Cres, naestatwa ka na d'yan?" siniko ni Jad ang tagiliran ko.
"Ano bang gagawin ko?" nahihiyang tanong ko, pabulong.
"Tanga ka, syempre nagpakilala sila edi magpapakilala ka rin!" hinampas n'ya ang balikat ko, at sobrang lakas no'n. Sinamaan ko tuloy s'ya ng tingin bago humarap sa mga kaibigan ni Novy.
"U-Uh, hi?" it was so awkward, I was trembling. "I am Crescent Moon, but you can either call me Cres or Cremo. Anything will do." I said.
"Nice meeting you, doc!" tugon ni Col at akmang yayakapin sana ako ngunit iniharang ni Novy ang braso n'ya sa pagitan naming dalawa.
Nagkatinginan kami ni Col at sabay na natawa dahil do'n. Napakaseloso.
"Ano ng plano natin ngayon? Tatayo na lang ba tayo dito?" masungit na tanong ni Jad at inirapan si Zandro.
I really wonder what's going on between them. Hindi naman kasi n'ya nabanggit ang tungkol kay Zandro, at hindi ko rin alam na may kakilala s'yang kaibigan ni Novy. Sabagay, I didn't even know Novy and Jad were talking with each other.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...