Chapter 10

49 2 0
                                    

"HELLO SORSOGON!" masigla at masayang bati ko sa probinsyang kinalakihan ko.

"Calm down, Cremo, malapit na." Novy held my arm at pinaupo ako. Sumilip kasi ako sa bintana ng bus at inilabas ang kalahati ng katawan ko.

I got too excited, nakatingin na pala sa akin ang ibang pasahero. But! Ang daming nagbago sa Sorsogon, maayos na ang daan at ang linis tignan ng paligid. Sariwa rin ang hangin, hindi gaya sa Manila na puro itim ang usok.

During our flight papunta dito ay nakatulog kami pareho ni Novy kaya siguro ubod ng taas ng energy ko.

"Am I too loud? Pft, I'm sorry." I apologized, natutuwa lang talaga ako.

"Hey, it's fine. I'm happy to see you happy, okay? I like this side of you, akala ko ay tahimik na tao ka lang talaga." he chuckled and messed up my hair.

Ngumiti ako at sumandal sa balikat n'ya. Maya maya pa ay tumigil na ang bus sa babaan, at naunang naglakad palabas sa kinauupuan namin si Novy. He brought our things and held my hand at the same time para raw hindi ako maipit sa likod.

Nang makababa kami, taimtim akong pumikit at huminga ng malalim. I didn't tell Daddy August that I'm coming home today. I want to surprise them both.

"Saan tayo?" tanong n'ya.

"Sakay lang tayo ng tricycle, yung dilaw. Diretso na 'yan do'n sa bahay. Kilala sila Daddy dito, malapit kasi sa dagat ang bahay namin." sagot ko at tatawag na dapat ng tricycle pero pinigilan n'ya ako.

"Dito ka na lang, mainit." hindi ko na s'ya napigilan, s'ya na ang tumawid sa kabilang kalye at tumawag ng tricycle.

"Saan tayo, toy?" tanong no'ng tricycle driver. Nasa likod n'ya si Novy, at ako ay nasa loob kasama ang mga gamit.

"Kilala n'yo ho ba si Agosto?"

"Ay oo! Ikaw na ba 'yan, Cres? Ay ang laki mo na pala!" bati n'ya at ngumiti lang ako, I don't remember who he is.

Hindi na ako sumagot pa dahil hahaba lang ang usapan baka maubusan ako ng sasabihin. Mukha pa namang madaldal si manong, hehe.

"Magkano ho?" si Novy, kaagad kong tinabig ang kamay n'ya at inabutan ng isang daan si Manong.

Ngumisi lang si Novy at ibinaba ang mga gamit namin. Susuklian pa sana ako noong driver pero hindi ko na tinanggap, pakunsuwelo na lang 'yon dahil kilala n'ya ako at hindi ko s'ya matandaan.

Medyo maputik ang daan papasok sa lugar namin dahil malapit nga ito sa dagat. Mula rin sa nilalakaran namin ay amoy ko na ang tubig alat, parang gusto ko na agad maligo. Ang bango.

"Cremo, ingat, baka madulas ka." paalala ni Novy at iniabot ang kamay n'ya.

"Kaya ko—" hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko ay muntikan na nga akong madulas. Mabuti na lang ay nasalo kaagad ni Novy ang kamay ko.

"See? I told you to be careful, ang tigas talaga ng ulo mo." he clicked his tongue at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

It took five minutes to reach the house, ang hirap maglakad ng tuloy tuloy dahil puro maliliit na bato ang tinatapakan. May buhat din si Novy na bags kaya hindi s'ya makapaglakad ng mabilis.

Mula sa gate ay sumilip ako sa loob ng bahay namin. Gano'n pa rin ang hitsura, medyo humulas lang ang pintura sa tagal ng panahon. Nakita ko si Daddy Sol na nagluluto sa kusina, at si Daddy August naman ay nagwawalis sa salas.

"Ayos ka lang?" pinisil ni Novy ang kamay ko, mabilis akong tumango.

Everything feels so nostalgic, parang noon lang ay dito rin ako nakatira kasama nila at naglalaro sa tabing dagat kasama ang mga kaibigan ko.

KUNDIMAN (Midnight Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon