Early in the morning, I already heard the cry of a rooster. Bumangon na ako at napansin na wala na si Novy sa tabi ko. Kagabi matapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng plato, ayaw pa sanang pumayag ni Novy pero nagpumilit ako.
I took my cellphone from the small desk at nagsend ng message kay Novy.
Me.
Where are you?
I bit my lower lip as I wait for his response. Alas kwatro pa lang kasi ng umaga, ang aga n'yang bumangon.
The screen of my phone lit up.
Novy.
Labas ka, kain tayo.
When I read that, I automatically look at myself in the mirror to check how I look. I get so conscious lately about my looks even though I know he doesn't care.
Novy's eyes and the way he looks at me never change. Isa 'yon sa napansin ko sa ilang araw na magkasama kami.
"Good morning, nak." nakangiti kaagad na bati sa akin ni Daddy Sol at humalik sa pisnge ko.
"Good morning, Dad." bati ko pabalik at naupo sa tabi ni Novy.
"Bonjour, Guerra." he whispered and smiled at me. Ngumiti rin ako at kumuha ng tinapay sa table.
"Nasa'n si Daddy August?" tanong ko habang kumakain.
"Ayun, pumalaot na. Sasama nga raw sana 'tong noby—" pinanlakihan ko ng mata si Daddy, "Yung kaibigan mo."
Ngumuso ako at nilingon si Novy.
"Bakit hindi ka sumama?" itinukod ko ang braso ko sa lamesa at tinitigan s'yang mabuti.
"Hindi ka pa gising, baka hanapin mo ako. Babalik pa naman si Tito." sagot n'ya at humigop ng kape.
"Marunong ka bang lumangoy?"
"Ano sa tingin mo?" bahagya s'yang ngumisi, "Hindi ako tatagal kung hindi ako marunong lumangoy, Cremo."
"Oo at hindi lang naman." bulong ko at humarap kay Daddy Sol.
Nanunukso ang tingin n'ya sa aming dalawa ni Novy habang tumatawa at umiiling. I'm getting frustrated! Tumayo ako at lumabas ng bahay. The sun is about to rise, maganda 'yon panoorin sa tabing dagat.
Naglakad ako papunta ro'n, at naupo sa katig ng bangka kung saan ko nadatnan si Daddy August kagabi.
I was about to take my phone out of my pocket when I've realized I left it on the table. I just sighed in disappointment, ang ganda pa naman ng langit.
I really wanted to capture it.
Nag-iisa lang ako sa tabing dagat dahil ang mga mangingisda ay sabay na pumalaot kay Daddy August. Ang mga bata naman ay mamaya pa ang gising, tahimik tuloy ang paligid.
Tumayo ako at naglakad patungo sa dagat. Hinayaan ko na mabasa nito ang mga paa ko habang pinakikinggan ang musika ng mga alon.
"May pating d'yan." nabigla ako nang may magsalita sa likod ko, muntikan pa akong ma-out of balance.
"Nakakagulat ka!" suway ko, "Anong ginagawa mo dito?"
Lumapit sa akin si Novy at ginaya ang ginagawa ko. Hinubad n'ya ang tsinelas n'ya at hinayaan ang tubig na humampas sa kan'yang balat.
"Makikipag-date sa mga isda." sagot n'ya.
"Wala ka talaga sa ayos kausap." sinamaan ko s'ya ng tingin at lumayo ng bahagya. Naiinis na naman ako.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...