Chapter 13

66 5 0
                                    

After a week of euphoria, it's finally time to come back to reality. The world I belong in, the profession I will always stand with. 

"Mag-iingat kayo pabalik ng Manila, ha?" hinawakan ni Daddy Sol ang pisnge ko at niyakap ako ng mahigpit. Matatagalan ulit bago ako makadalaw sa kanilang dalawa. Sigurado akong maghihigpit ang director sa akin dahil isang linggo ako nawala. 

"Ingat din kayo dito, Dad." ngumiti ako at humalik sa pisnge nilang dalawa. 

"Ikaw na ang bahala sa anak ko, Novy." tinapik ni Daddy August ang balikat n'ya, "Malaki ang tiwala ko sa 'yo." 

"You have nothing to worry, Tito August. Hangga't nakatayo ako, hindi ko hahayaan na masaktan si Cremo. Kahit anong paraan pa 'yan." tugon n'ya at niyakap din ito. 

Ilang sandali pa kaming nagpaalaman bago tuluyang umalis. Pag-uwi namin galing sa peryahan kagabi ay nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit dahil Linggo ng madaling araw ang oras ng flight namin pabalik ng Manila. 

Novy carried my luggage as well as his at kahit anong agaw ko no'n ay ayaw n'yang ibigay. Para saan pa raw ang muscles n'ya kung hindi n'ya bubuhatin ang gamit ko. I asked him what's the connection in between but he ignored my question. Buong byahe sa eroplano ay natulog lang ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi, abala ako sa pag-iisip ng ibang bagay. 

"Guerra, wake up." tinapik ni Novy ang balikat ko. 

"Nandito na tayo?" tanong ko at sumilip sa bintana. Lalanding na ang eroplano. 

Nang makababa kami ay kumuha na lang ng taxi si Novy. Dapat ay susunduin ako ni Jad kaso ay baka traffic na raw pauwi at ma-late s'ya sa shift n'ya. 

"Kailan ulit tayo magkikita?" hinawakan n'ya ang kamay ko at sumandal sa balikat ko. Malapit na kami sa building ko at naiintindihan ko ang nararamdaman n'ya. Kahit ako ay gusto ko pa s'yang makasama. 

"Titignan ko pa ang schedule ko eh. Sasabihan naman kita kapag libre ako." pagpapagaan ko ng loob n'ya at humilig din sa kan'ya. "How about you? Wala kayong mission?" 

This is what I am worrying the most. Sa t'wing hindi ako pwede ay madali lang alamin kung nasaan ako. Madali lang n'yang malalaman kung saan ako pupuntahan, kung anong ginagawa ko at kung bakit hindi ako nakakasagot pero sa kanya, hindi gano'n kadali. 

Noong dalawang bwan na hindi pa kami at wala si Novy sa tabi ko ay sobra na ang pag-aalala ko. Paano pa ngayon? Sa tingin ko ay hindi ako makakatulog ng maayos kung sakaling sasabak ulit sa panibagong misyon si Novy. Araw-araw akong mag-aalala at mag-iintay ng balita kung ano ang lagay n'ya kahit alam kong mahirap din 'yon. 

"Ang lalim ng iniisip mo, Cremo. Hindi ako mawawala sa 'yo." sinilip n'ya ang mukha ko at ngumiti. "Hindi lang ikaw ang iingatan ko, kung hindi pati rin ako." 

I know he's saying that to comfort me, yet, it feels like he's lying about the latter. He's a captain and even though I do not have the same work, I know he has a big and heavy responsibilities. Kung kinakailangan na ibuwis n'ya ang buhay n'ya ay hindi s'ya magdadalawang isip, 'yon ang Novy na nakikita ko. 

"Siguraduhin mo lang." sagot ko at umidlip saglit. 

Hindi rin 'yon gaanong nagtagal dahil nakarating na kami sa building ko. Gusto pa sanang pumasok ni Novy ngunit pinigilan ko s'ya. Hindi s'ya makakapagpahinga kung ako ang aasikasuhin n'ya, kaya ko naman ang sarili ko. 

"You need to rest too, I'll message you." I looked at his eyes and plastered a small smile on my face. Ngumiti s'ya pabalik at tumango. 

"Hihintayin ko." bulong n'ya at mabilis na hinalikang ang noo ko. 

KUNDIMAN (Midnight Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon