Chapter 1

173 7 0
                                    

Disclaimer.

This is fiction. Everything mentioned in this story is fictional.

Night shift, sakit sa likod.

"Hindi ka pa ba uuwi?" si Jad, he's my best friend and enemy at the same time. We're good, but sometimes we really find each other's presence annoying.

"Hindi pa, kakatapos lang ng 8 hours operation ko. Sakit sa likod, Jad." reklamo ko at naupo sa bench.

"Edi tanggalin mo na 'yan,"

"Ang alin na naman?" inirapan ko s'ya at hinilot hilot ang balikat ko.

"Likod mo, masakit pala e'" sagot n'ya.

"Uh, wala ka talagang kwenta kausap! Umalis ka nga sa harap ko!" binato ko sa kanya ang panyo na hawak ko.

Hindi na s'ya nakipagtalo pa at umalis na nga sa harapan ko. We're both working night shift, from 6 PM to 6 AM lang dapat unless may emergency surgeries na tatapat sa oras ng shift namin kaya nae-extend.

It's almost 7 AM when I decided to leave the hospital and went home. Ilang oras lang ang naging tulog ko dahil inabot din kaagad ako ng gutom. And since I am not that good when it comes to self-cooking, umorder nalang ako.

After eating, oras na naman para pumasok sa trabaho. Araw-araw, no dayoffs, no rest day, at higit sa lahat no time for dates. Two years ago pa ata ang huling boyfriend ko, and yes, I like guys.

"Naligo ka ba?" bungad ni Jad, inantay n'ya ako sa entrance ng hospital.

"Mukha bang hindi? Ikaw nga 'tong hindi nagbabasa ng buhok." pang-aasar ko pabalik at itinuon ang paningin sa harap ko.

"Inaalagaan ko ang buhok ko, 'wag ka ngang epal d'yan!" suway n'ya sa akin at ngumiwi lang ako bilang sagot.

Nagtuloy lang kaming dalawa sa paglalakad nang lapitan ako ng assistant nurse, hindi kami close, but we're also in good terms.

"Good evening, doc." nakangiti at pormal na pormal na pagbati n'ya, tinapik ko lang ang balikat ni Jad at hinayaan s'yang mauna.

Nagkibit balikat lang s'ya at nakapamulsang nagpatuloy sa locker room para iwan ang gamit namin pareho.

"Anong meron, Lily?" tanong ko at sinulyapan ang oras, it's already 6:30 PM.

"Doc, may problema kasi.."

"Problema? Saan?"

"May patient kasi si Dr. Ramirez today for follow up check-up kaso hindi s'ya pumasok. Would you mind checking his patients for him?" naiilang na tanong n'ya at sumulyap naman ako sa ER.

"Okay, magpapalit lang ako. Susunod ako sa'yo sa.."

"Sa ward nalang po sa third floor, doc." sagot n'ya at tumango naman ako.

It's been awhile since I went to a patient ward, mas madalas kasi akong nasa ER at OR lalo na tuwing gabi. At halos lahat ng nagiging patients ko ay VIP kaya nakaprivate rooms.

"Bakit ka tinawag nun? Feeling close lang?" nakangising tanong ni Jad pagpasok ko, nagpalit kaagad ako ng white shirt at sinuot ang coat ko.

"Sira, may check-up daw eh. Absent pala si Dr. Ramirez?" hindi ko nabalitaan.

"Ah oo, may sakit ata eh? Ewan ko, I have no time to ask around bakit s'ya absent." wala sa ayos na sagot n'ya at sumabay sa akin palabas.

"Sa'n ka ngayon?"

"Dalawa yung pasyente, sa second floor yung isa." sagot ni Jad at umakyat na ng hagdan.

Habang naglalakad paakyat ay nararamdaman ko ang pagkulo ng aking t'yan, noodles lang kasi ang kinain ko. And as I was busy checking on myself, hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko. Nagkabanggaan kami.

KUNDIMAN (Midnight Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon