I can't believe I said that! Pagkauwi ko sa bahay ay pumasok kaagad ako ng kwarto at nagsisisigaw. Dinig ko pa ang boses ni Daddy pero hindi ko na maintindihan kung ano ang sinabi nila. All I can hear now is the loud sound of my heartbeat.
"Is he my boyfriend now?" I asked myself, in front of the mirror.
I am going insane literally.
Sa kalagitnaan nang pagwawala ko ay narinig ko ang boses ni Novy at ang sunod sunod na pagkatok n'ya sa pinto. Paano ko s'ya haharapin ngayon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Cremo, talk to me! Bakit ka tumakbo?" pasigaw na tanong n'ya at patuloy pa rin sa pagkatok.
I was worried for a second, tulog na siguro ang mga kapit bahay at ang ingay pa naming dalawa. Panay din ang tanong nila Daddy sa kan'ya kung anong nangyare, ngunit gaya ko ay hindi rin n'ya ito sinagot.
Ilang sandali pa ang itinagal nang pakikipagpatentero ko kay Novy. I have no choice, kahit naman tumakbo ako nang tumakbo ay maaabutan n'ya pa rin ako. Wala ring saysay kung hindi ko s'ya haharapin at kakausapin ng maayos. At bakit ba kasi ako tumatakbo? We both know it will end this way or another.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip si Novy. He's standing beside the door, patiently waiting for me. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kan'ya.
"Novy.." I called and he turned to look at me. A smile automatically plastered on his face.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina, Cremo?" his eyes suddenly glistened, nabahala ako. He already cried earlier, ayoko na s'yang paiyakin ulit. Bakit ba s'ya umiiyak? Hindi ko naman s'ya inaano, nakokonsensya ako.
"Oo, sinasagot na kita." pilit ang pagpapalakas sa loob na sagot ko.
"Yun oh! Hindi na sila friends lang!" naagawa ni Daddy August ang atensyon ko.
"Moment nila 'yan, bakit ka nakikisali! Tara na nga ro'n sa kwarto, 'yon lang naman pala ang problema nilang dalawa. Akala ko kung ano na." sabat ni Daddy Sol at hinila na papasok ng kwarto nila si Daddy August. Kinindatan n'ya pa ako bago isarado ang pinto.
Kami na lang dalawa ni Novy ang naiwan. Kinakain na naman ng kaba ang buong sistema ko.
"Seryoso ka ba?" he asked worriedly, "Baka kasi napipilitan ka lang, ayoko ng gano'n, Cremo."
"Hindi rin kita sasagutin kung napipilitan lang ako."
Nagkatinginan kami ng matagal at nauna akong bumigay.
"Stop staring at me, nasisimot na angas ko sa katawan." I hissed.
"Kung boyfriend mo naman ang dahilan, bakit hindi?" his mouth twitched at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"N-Novy, hindi ako m-makahinga!" hinampas ko ang balikat n'ya at kaagad n'ya naman akong binitawan.
"Sorry!" nakangiting paumanhin n'ya at hinalikan ang bawat parte ng mukha ko, "You made my day, Guerra. This is the happiest day of my life."
"You're the light I didn't know I needed, Novy." I kissed the top of his nose, "Kaya 'wag ka nang magseselos dahil kahit sino pa 'yan, hinding hindi ka nila kayang tapatan."
"Talaga?"
"Talaga! Ikaw pa ba? E' sa inis ko pa lang sa 'yo umaapaw na." biro ko at sumimangot s'ya.
"Ayos lang, at least lagi kang pikon!" he showed his tongue.
"Ah gano'n? Edi magbreak na tayo." I said.
"Asa ka! Matulog na tayo." hinila n'ya ako papasok ng kwarto at tinabunan ng kumot.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...