Nagising ako sa malakas na pagkatok sa pintuan ko. It's 9 AM, isang oras pa lang ako nakakatulog ay may nanggugulo na kaagad.
Hindi pa naman due ang rent ko ah?
"Tagal!" sigaw no'ng nakatok sa labas, mabilis ko iyong nabosesan, si Jad.
Nagsuot ako ng tsinelas at sabog sabog pa ang buhok na pinagbuksan s'ya ng pintuan. Nginiwian n'ya ako at tinignan mula ulo hanggang paa.
"Anong hitsura 'yan?" dismayadong tanong n'ya at basta na lang pumasok sa unit ko.
"Anong anong hitsura 'yan? Malamang kagigising ko lang." kunot-noong sagot ko sa kan'ya at naupo sa gilid ng kama, yakap yakap ang unan ko.
"Birthday mo kaya!" sigaw n'ya.
Napaiwas ako sa sobrang lakas no'n, dinaig n'ya pa ang alarm clock ko.
"E' ano naman? Taon taon ako nagb-birthday, hindi na bago 'yon." walang ganang sagot ko.
Hindi ko kasi nakaugalian na i-celebrate ang birthday ko lalo na at wala naman dito sila daddy. Sila lang talaga ang naghahanda ng magarbo tuwing birthday ko, pasalamat daw sa panibagong taon.
At hindi naman sa hindi ako nagpapasalamat sa bagong taon na nadadagdag sa buhay ko, ayoko lang talaga mag-effort.
"Tanga ka, papasok ka sa trabaho?" tanong n'ya, tumango ako. "Bakit?"
"Anong bakit? Malamang may pasok tayo, maraming pasyente." sagot ko.
Alam ko na kung anong gusto nito ni Jad, noong nakaraang linggo n'ya pa ako niyayaya na lumabas ngayong birthday ko. P'wede naman daw ako sa kanila maghanda dahil nando'n ang parents at mga kapatid n'ya, mas marami, mas masaya.
"Wala ka talagang balak i-celebrate ang birthday mo? Aba, 30 years old ka na! Himala 'yan." biro n'ya at binatukan ko s'ya agad.
"Ang sama ng ugali mo, ayoko nga magcelebrate. Papasok ako." pagmamatigas ko at tumayo na.
"Hindi p'wede, nagpaalam na ako sa director. Sabi ko a-absent tayo ngayong araw hanggang huwebes." umiiling na sabi n'ya at natigilan ako.
Hinarap ko si Jad at pinakiramdaman kung seryoso ba s'ya sa sinabi n'ya, at mukhang seryoso nga s'ya ron!
"Gago ka, anong gagawin natin ng tatlong araw na walang pasok?" dinampot ko ang unan at ibinato iyon sa mukha n'ya, sapul.
"Aray ko! Magcelebrate tayo! Tatlong araw sa Baguio!" ibinato n'ya rin sa mukha ko pabalik yung unan.
"Pinlano mo 'to?" tinaasan ko s'ya ng kilay at sinamaan ng tingin.
"Of course, this is my treat! Birthday gift ko na sa'yo, nakakahiya naman eh." ngumiwi s'ya at humiga sa kama.
"Saan tayo tutuloy do'n? Mahal maghotel, hindi mo ba naisip 'yon? Basta basta ka nalang nagdedesisyon." naupo ako sa tabi n'ya at ngumuso.
Hindi ko alam kung kakasya ba ang cash na meron ako ngayon, hindi pa ako nagw-withdraw dahil may natira pa naman sa sahod ko last time. Nakapagpadala na rin ako kanila daddy kaya akala ko wala na akong ibang gagastusan. Nasa bangko ang pera ko.
"I planned everything, kumpleto na, okay? May tickets at passes na tayo sa tourist spots do'n, 'wag kang kj! Nahanap ka lang ng palusot e', magbihis ka na!" hinampas n'ya ng unan ako mukha ko.
"God, Jad!" asar talong impit na tili ko at dumiretso na ng banyo.
Sinadya ko talagang tagalan ang pagligo ko dahil baka sakaling magbago pa ang isip ni Jad at 'wag ng tumuloy. Mas gusto ko pa talagang pumasok na lang sa trabaho.
BINABASA MO ANG
KUNDIMAN (Midnight Series #1)
General FictionBattlefields are not always about guns and bombs, maybe, in some ways, it's all about scalpel and bandages. A war between two professions collided with the playing cards of love; A matter between life and death. Is it really worth risking? Or, is i...