"He's still recovering from PTSD, its not that easy for him to talk easily." The doctor said.
Bumaba na nang husto ang balikat ko sa narinig galing sa doctor. Halos mawalan na ako ng pag-asa pero hindi pwede dahil kailangan ako ng kapatid ko. Bumaling ako sa kapatid ko na nakangiti pero may bahid ng luha sa mga mata. Pinahiran ko ito kaagad dahil ayokong dagdagan ang iniisip niya. Parang pinipiga ang puso ko nang matanaw kung gaano ka inosente ang mga titig ng kapatid ko. Wala siyang ka alam-alam sa buhay na kung ano ang meron siya.
I wanted him to recovered and be happy like a normal child. The world too harsh for him, for us...
"Sinabi ko naman sa'yo arte lang 'yan ng batang yan! Walong taong gulang na 'yan eh hindi pa nagsasalita?! Sayang lang ang pera mo kaka gastos diyan sa batang 'yan. Imbes na ipa gamot mo kung ibinayad mo nalang yan sa'kin edi mas mabuti!"
"Tiya, pasensya na po. Maghahanap po ulit ako ng isa pang trabaho at pangako sa unang sweldo ko, babayaran ko na po talaga..."
Tumaas ang kilay niya at namewang pa. Bumaba nalang ang tingin ko sa kapatid ko na nakatingin kay tiya na sumisigaw. Tinakpan ko ang kanyang mga tenga. Kanina ko pa gustong umiyak pero wala na yata akong lakas para umiyak.
"At pati pag-aaral mo sinuko mo na dahil lang sa batang 'yan! Alam mo dapat talaga hinayaan mo nalang na sumama 'yan sa nanay niyong lasinggera eh."
"Tiya, tama na po..." Umirap siya saka umalis na sa harapan namin.
"Sorry," Panimula ko sa kapatid. Inosente pa rin siyang nakatingin sa akin. Ang kaninang namumuo kong mga luha ay hindi ko napigilan ng haplusin niya ang aking mukha.
He then wipe my tears and give me a sweet smile. I hugged him, but he immediately loosened up my hug to him. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya pero binigyan niya ako ng thumbs up. Ngumisi ako.
He hates it when I'm hugging him while I am crying.
"Maghahanap lang ulit si Ate ng trabaho, dito kalang ah? May pagkain naman diyan sa basket at kapag nagutom ka kumain kalang..."
Napanguso siya ngunit tumango-tango din naman siya.
"At kapag may nangyaring masama do not forget to-"
Pinutol niya ang sasabihin ko at agad na ipinakita ang keypad na lumang cellphone ko noon. He knows how to text, kahit hindi nag-aaral ang kapatid ko sa normal na paaralan ay tinuturuan ko pa rin naman siya kahit papaano.
I pat his head. Enzo is my world. Without him, I am nothing.
---
"Pero ang sabi niyo po kahapon babalik ako-"
"May mas naunang umapply sa'yo miss. At kahit pa maliit na karenderya lamang kami eh kailangan din namin ng may pinag-aralan."
Pinalobo ko ang bibig ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Hindi ako pwedeng umiyak lang na umiyak.
"Miss! Naghahanap ka ba ng trabaho? Dito oh, libre na lahat, car wash girl kasi hanap namin eh tsaka sexy ka naman, maganda pa... Pang pa lakas lang ng benta, walang-wala kasi talaga eh."
Parang lumundag ang mga puso ko sa sinabi ng lalaki.
"Pwede naman po, magkano po ba ang sweldo sa isang araw?"
"Eh, okay ka naman sa one-fifty diba? Tsaka depende na yun sa diskarte mo!"
Natigilan ako saglit. Masyadong mababa ang one-fifty sa isang araw pero mas malapit ito sa bahay, mas madali lang kapag may kailangan ang kapatid ko. Kapag lalayo naman ako pero two-hundred lang din sa isang araw, ganon parin ang kalalabasan.
YOU ARE READING
Chasing my Wildest Desire
RomanceIs it really possible to be still in love with a person who completely destroyed your life? Started: 11/13/22 Ended: --