Chapter 8

38 6 0
                                    

“Senyorita, gumising ka na po riyan at nandito na ang umagahan ninyo!” hinilot ko ang sentido ko dahil sa ingay na nanggaling sa kusina.


“Natututo kanang mag pariwalang babae ka!” nanliit ang mga mata ko ng makita ko si Trisha sa kusina. Naka pamewang saka may hawak pa 'tong sandok.


Dahan-dahan akong bumangon sabay hawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Lumapit naman kaagad sa akin si Enzo at inalalayan akong umupo ng mabuti. Pumikit ako ng mariin sabay hilot sa ulo saka tumayo para puntahan si Trisha. Nagtataka pa ako kung bakit nandito 'to eh hindi ko naman siya nakita o kahit tinawagan.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


Umupo ako sa upuan sa may lamesa saka kumuha ng tubig sa pitsel. Nakapamewang pa rin siya at nang tumingin ako sakanya ay naka taas na ang kilay nito.


“Ano nga ba?” tinaasan niya ako ng kilay sabay bigay ng kape.


Sumalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam ang pinag sasabi niya. Masakit pa ang ulo ko pero mas lalo niya lang yatang pinasakit! Hindi ko naiintindihan kung bakit nandito 'to eh hindi nga maka apak to sa bahay dahil mag ka away sila ni tiya eh.


Tinignan ko ang cellphone ko at maraming missed call kaagad ang bumungad sa akin. It was Elena. May iilan ding missed call galing kay Chase kaya nag taka ako bigla. Bakit kaya tumawag ang isang 'to?


Lumipat ang mga mata niya sa likuran ko. Napapikit pa ako ng may makita akong imahe ng isang anghel... tinampal ko ang mukha dahil sa naisip. It was not an angel, more like a devil. Naka awang ang labi saka nakapamulsa nang lumapit sa amin. Medyo nakapikit pa rin ako dahil sa silaw ng araw na pumasok kasabay niya.


“Good morning?” he casually said.


“Bakit ka nandito?” salubong ko kaagad.


Tinignan ko siya ng maayos. Naka formal suit na siya at may salamin pa. Ibang-iba sa imaheng lagi kong nakikita sakanya. Kaya nga napag kamalan kong anghel eh.


Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya kay Enzo at may binigay na paper bag dito. Kumunot ang noo ko sabay tingin sa kapatid. Enzo also glance at me kaya sinamaan ko siya ng tingin. He just smile at me. Habang si Trisha naman ay lumapit sa akin saka umupo rin kahit na may niluluto pa siya. Hinampas niya ako saka binigyan ng malagkit na tingin.


After he gave it to Enzo, he step in infront of us. He gave Trisha a smile then drop his smile when he look at me. Umismid ako saka umirap. Kinagat ko ang labi ko ng sipain ako ni Trisha sa ilalim ng mesa.


“How are you feeling?” tanong niya.


“H-Huh?”


Humalukipkip siya at sinandig ang likuran sa upuan. Then he was watching me intently while I was drinking my coffee that Trisha give to me earlier. Tumikhim ang bakla sa tabi ko saka tumayo at lumayo sa aming dalawa. Bumaba kaagad ang tingin ko sa mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.


“How are you feeling?” pag-uulit niya sa tanong niya kanina.


“Bakit mo naman tinatanong?” pambabara ko.


“You were drunk and wasted last night. Hinatid kita dito para makapag pahinga ka.” nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya!


Hinatid niya ako?! Buong akala ko si Jed ang humatid sa akin! Pero bakit niya naman ako hinatid eh hindi naman kami magkasama kagabi? Ni hindi ko nga nakita ang kaluluwa niya roon, paanong siya ang humatid sa akin? Did Elena contacted him? I shooked my head from what I have said. Walang alam si Elena. Hindi niya nga alam na nagkikita kami ni Chase pagkatapos noong pagbigay niya sa akin ng tip sa harapan nila ni Sakura.


Chasing my Wildest Desire Where stories live. Discover now