Chapter 1

46 7 0
                                    

Nakauwi na ako ng bahay at agad kong binilang ang pera na binigay ni si sir Chase. At halos lumuwa ang buong mga mata ko nang mabilang ko na ang kabuuan ng pera! It was all worth ten thousand pesos! Puro kulay asul at dilaw na mga pera ang nakapaloob sa sobre. Kung tutuusin ay kaya ko ng bayaran ang lahat ng utang ko kay tiya saka sa upa ng bahay niya.


The truth is, I was planning to move in another city that is far from her and to our relatives. Pero hindi ko pa iyon maitutuloy dahil hindi pa nakaka-pag salita si Enzo, at hindi pa siya ganon ka galing. Wala akong ibang mapag-iwanan sakanya kapag nagkakataong lumipat na kami sa ibang lugar.


"Oh, Enzo! Bakit hindi ka pa natutulog?" Gulat kong tanong ng maabutan ko siyang nanonood ng TV.


"Hindi po ako makatulog eh," he wrote on his writing board that my friend gifted to him.


“Kumain ka na?” he nodded.


Huminga ako ng malalim at pumunta sa pwesto niya. Kinuha ko ang remote sa kamay nito at pinahinaan ang volume ng TV. He crossed his arms and pouted at me. Ngumisi lamang ako at kinurot siya sa pisnge.



“Huwag masyadong malakas ang volume, baka magalit nanaman si tiya...” I reasoned out.



He stop a bit but he nods his head. May isinulat siya muli sa kanyang writing board kaya pinagmasdan ko ito ng mabuti.


“Pumunta dito si tiya Dolores kanina. May kinuha po siya doon...” I read on his writing board, sabay turo niya naman sa basket kung saan nilalagay ko ang aming mga pagkain at grocery.


Kumunot ang noo ko at dali-daling pumunta doon. My brows furrowed when I didn't see anything in there. Ubos lahat pati ang mga can goods na pinamili ko. Dali-dali naman akong pumunta sa kwarto at laking pasasalamat ko na naroroon pa rin ang ibang mga grocery na binili ko na hindi ko pa na ilalagay sa basket.



Bumagsak ang katawan ko sa higaan.



This is too much. Alam kong hindi pa ako nakakabayad ng upahan namin dito pero ang loobin at ubusin ang mga pagkain namin na hindi nag- papaalam? Pinahiran ko na lamang ang mga luha ko at lumabas sa kwarto. Napatingin ako kay Enzo na nag-aabang na pala sa akin. Niyakap niya ako.



“Pupuntahan ko si tiya Dolores...” Niluwagan ko ang pagyakap sa akin ni Enzo.


He shooked his head.


“Enzo... Hindi pwedeng laging ganito.”
He writes something on his board.


“Pero gabi na po, ate.”


“Nasa kabilang bahay lang naman siya, Enzo. Tsaka magbabayad ako sakanya. Alam kong gising pa 'yon.” I said after I heard her voice through the karaoke.


Mukhang nagkakaroon nanaman siya ng salo-saluhan.


“Matulog ka na lang, okay? Promise, hindi na tayo guguluhin ni tiya Dolores...” He pouted.


“Thank you, baby.” I kissed him on his forehead. Pagkatingin ko sakanya ay nakapamewang na ito at parang nandidiri sa tinawag ko sakanya.


Napatawa na lang ako.


----

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay niya ay amoy na amoy ko na kaagad ang mga alak na pinaghalo sa sigarilyo. Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang pagpasok sa loob.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan niyang babae at lalaki na naghahalikan at iba pang kaganapan sa gilid. Ang iba naman kasabay ni tiya Dolores ay nasa mesa nakatulog.


Chasing my Wildest Desire Where stories live. Discover now