Maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Nakapag-luto at nakapag-linis na rin ako ng bahay, and as usual after this babalik ulit ako sa salon para mag trabaho ng kalahating oras. Mabuti nalang at mabait si Trisha, ang kita ko minsan sa costumer ko kapag madaming costumer ay binibigay niya iyon sa akin ng buo.
Ngumiti ako kay Enzo nang makita ko na lumabas na siya sa aming kwarto ngunit dala-dala niya ang aking cellphone. Napatingin ako roon nang binigay niya 'yon sa akin. My phone was ringing and it was Chase who called. Nanlaki ang mga mata ko at agad itong kinuha sakanya. Ang aga naman yata?
“H-Hello...” nangingig pa ang aking boses.
“Glad you're awake. What time should I pick you up later?” later?!
“M-May trabaho pa ako mamaya, siguro pagkatapos na lang ng trabaho ko sa gabi?” kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng narinig ko siyang tumawa.
“You really made your work as an excuse, huh? Let me remind you Bree. Hindi ito basta-basta lang na pang kalyeng trabaho tulad ng trabaho mo. It is a big loss for you if you didn't pay your attention on it.” natahimik ako.
Pang kalye...
“I'm sorry, hindi pa kasi ako nakapag-
paalam kay Trisha at Joy... Tsaka sayang naman ang kita ko kapag—”“After your work, then.” nanlaki ang mga mata ko.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago niya iyon binitawan.
“I'll pick you up later at your work, bring your best clothes later as a result of good shoots.” After that, he ended the call. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa pang iinusulto niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at bumalik sa loob ng bahay. Napangiti ako nang maihanda na ni Enzo ang aming almusal at naka upo na rin siya sa hapag habang nag-aantay sa akin. Naka-tunganga siya sa akin. I caressed his hair and pat his head. Ngumiti naman siya ngunit panandalian pa rin. Umupo na ako sa upuan saka nilagyan ng pagkain ang kanyang plato.
Habang kumakain ay naalala ko ulit ang sinabi ni Chase sa telepono kanina. Pang kalye... Ganon rin ba ang tingin ng ibang mayayaman sa mga trabaho naming mahihirap lang? Totoo palang may ibang mayayaman na mata pobre ang tingin sa aming mga mahihirap. But I'm still convinced that he still had a good side left on his heart. Kung hindi lang talaga siya naging mabait sa aking noong una naming pag-kikita...
Natapos na akong kumain, iniwan ko ulit si Enzo sa bahay at iniwanan ko rin siya ng mga paborito niyang libro. I know he was reading it through his mind, Enzo know how to read even before he can't talk. At ang mahalaga, tinutulungan niya ako na maging maayos ang kanyang sarili.
“Kailan daw ba ulit babalik si Pogi dito?” uminit ang pisnge ko sa tinutukoy ni Trisha. Alam kong si Chase ang kanyang tinutukoy.
“Hindi ko alam. Hindi naman kami close kaya paano ka nakaka siguradong babalik siya dito?” humalakhak siya.
“Oh 'edi kapag close na kayo! Sus, kunyare ka pa. Mukhang crush ka nga noon eh. Grabe kung makatingin sa'yo.” mas lalo lang uminit ang pisnge ko sa sinabi niya.
Crush? Ako? Eh halos papatayin na nga ako sa pang-iinsulto n'on tapos mag kakagusto pa saakin?
“Trisha, hindi mangyayari 'yang sinasabi mo. Pahilamin mo nalang muna ako ng mga magagandang damit mo diyan para sa photo shoot mamaya.”
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na lumapit sa akin sabay hawak sa magkabilang braso ko. Napapikit ako sa sobrang pag diin niya ng kanyang kamay sa aking braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/326082417-288-k684468.jpg)
YOU ARE READING
Chasing my Wildest Desire
RomanceIs it really possible to be still in love with a person who completely destroyed your life? Started: 11/13/22 Ended: --