Chapter 7

26 6 0
                                    

I was so mad. I am so mad at myself because I wanted to know what is going on. What's going on at myself? Bakit parang may iba talaga akong nararamdaman pagkatapos kong makipag talo kay Chase kanina. It seems so vague but at the same time very familiar.



Pinitik ko ang ulo ko dahil nagsisimula nanaman akong mag-isip ng malalim. Nag angat ako ng tingin kay Elena nang bigyan niya ako ng kape. Naka lukot ang mukha niya pero naka nguso ang bibig.



“Mukhang malalim ang iniisip mo ah?” umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako ng kaunti.



“Hindi naman, may bago bang mag papa- carwash?” pag-iwas ko sa tanong niya.



Ngumuso siya saka umirap.



“Badtrip din 'tong si Joy eh! Sa akin dapat yung lalaki kanina pero hinablot niya kasi gwapo raw at mayaman, mukhang bata saka mukhang masarap!” nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid.



Nataranta ako saglit pero laking pasasalamat ko na wala naman palang tao. Napabaling ulit ako kay Elena saka ininom ang kapeng binigay niya. She bent her knees over her chest and snake her hands around her knees, walang pakialam kung makikitaan ba siya roon o ano.



“Badtrip talaga eh!” pag rereklamo niya ulit.



Napansin niya yatang wala akong pakialam sa nirereklamo niya kaya humarap siya saakin at pinanliitan ako ng mga mata.



“Ilang araw ka ng nag tatrabaho dito bakit wala ka pang naka sex kahit isa?” walang preno niyang tanong.



Nag bungtong hininga ako at uminom ulit ng kape. Pagkatapos ay nilagay ko ito sa semento sa baba saka humarap rin sakanya.



“Nag tatrabaho ako ng marangal, Elena. Hindi iyon ang trinabaho ko rito.” humalakhak siya.



“Nag papatawa ka ba, Bree? eh 'yon nga ang dahilan kung bakit ka nag tatrabaho dito! bakit? berhen kapa ba? naku!” humalakhak ulit siya.



“Ganyan din kami ni Sakura noong una, siyempre wala pa kaming experience kaya natatakot kami, pero hindi ka naman bubuntisin kaagad ng mga lalaking 'yan eh! nagpapasarap lang sila, parausan ba... saka malaki ang pera dito!” she exclaimed as if she's really liking it the way she reacts.



“Ayaw ko lang...” I trailed off.



Ayaw ko lang? o baka naman tama siya na natatakot lang ako? trabaho ko nga ito pero una sa lahat hindi ko ginusto 'to. I didn't even know that it is how my work works. Hindi ako matatanggap sa ibang trabaho dahil bukod sa wala akong tinapos, kalat din sa buong syudad ang ginawa ng tatay ko noon.



Wala akong pera. Marami akong gustong bilhin para sa kapatid ko at para na rin sa sarili ko. Isali pa riyan ang pagpapa galing sa kapatid ko at para magawa 'yan kailangan ko pang kumuha ng espesyalistang doctor.



Naalala ko ang sinabi ni Mrs. Ferrer kanina. I am now part of their models and company. Alam kong malaki ang kita pero hindi pa rin 'yon sapat para magpagaling sa kapatid ko.



“M-Magkano ba ang binabayad sa'yo?” umiwas kaagad ako ng tingin sakanya.



I heard her scoffs and sipped on her coffee before answering my question.



“Bakit? Interesado ka na ngayon?”



“Hindi. Gusto ko lang malaman.” sagot ko.



“Hmm, depende sa sarap na malalasap nila eh. Kahit hindi ka marunong kung nag enjoy naman sila, makukuha mo ang perang gusto mo...”



Chasing my Wildest Desire Where stories live. Discover now