Chapter 6

27 6 0
                                    

We were silent until we reach the nearest restaurant next to their company. I know that because I am checking it to the location that I searched yesterday at the car wash shop. I couldn't afford to searched it at any place far from the car wash shop because I have no internet and I don't want to waste my money on it.


Mabigat ang loob ko habang parang tuta na sumusunod sakanya. Naka yuko lang din ako dahil halos lahat yata ng mga nag tatrabaho dito ay kilala siya, samantalang wala naman silang pakialam sa akin. Kaya lang, habang papalapit kami sa table ay may naririnig na akong mga salita na hindi ko gustong marinig.


“Sino ang babaeng 'yan?” tanong nung babae.


“Baka bagong assistant lang. Kilala niyo naman si sir eh, mabait 'yan sa mga tao pero hindi exempted ang mga tauhan sa kompanya nila...” hagikgik ng isa niyang kasama.


“Oh baka naman katulong lang,” the other girl interrupted on their gossips.


“Hindi eh, maganda kaya...” the guy interrupted too.


Lumingon si Chase sa kanila kaya bigla silang yumuko para iwelcome si Chase. His eyes move to me. Napansin niya sigurong nakayuko lang ako buong lakad namin dito sa restaurant hanggang sa makaabot kami sa table na reserved na pala sa kanya. It's always reserve at him, ani manager. Hindi ko alam kung may free pass din ba ang mga mayayaman sa ganito o baka naman handsome privilege lamang.


“Anong gusto mo?” he asked while looking at the menu.


Samantalang ako ay busy ang mga mata kakatingin sa mga interior ng buong restaurant. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakapasok sa ganito kalaking restaurant kaya naman nang tumingin ako sa menu at sinubukang pumili ng makakain ay parang labag na sa kalooban ko. The prices of these foods are not buying my attention at all. Parang mas gusto ko nalang umalis kaysa sa umupo at magpa libre nanaman kay Chase.


“K-Kahit ano...” I said without checking something to eat at the menu.


Tumikhim siya saka sinenyasan ang waiter na lumapit sa kanya.


“This, this and...” tumigil siya saglit at tumingin sa akin.


“All of these,” nanlaki ang mga mata ko!


Ganon ba siya ka gutom at napakarami naman yata ang inorder niya para sa dalawang tao?


“Hindi ko mauubos 'yon...” saad ko.


“We can take that out and gave it to your brother.” sagot niya.


Hindi na ako umalma dahil tama naman siya. Kung binili niya iyon para sa aming dalawa, ibig sabihin ay pwede kong dalhin ang iba para kay Enzo. Hindi naman siguro namin mauubos 'yon saka hindi naman ako ganon ka dami kumain.


“Thank you,” he mouthed to the waiter.


Napanganga ako habang tinitignan ang mga pagkain sa table. Hindi ako nakatingin sakanya pero ramdam kong nakatingin siya sa akin ngayon. It was when I realized that my hands were already on the seafoods, busy removing the substance of the crab. Napakagat ako sa labi.


Kumain ako ng hindi tumitingin sakanya kahit na nasa harapan ko lang siya. I manage to eat without feeling pressured that he was infront of me, watching and observing the every bite of the food that I take.

Habang kumakain ay naka helera pa ang mga empleyado sa gilid namin na ngayon ko lang napansin. May nagbubulungan pero nang tumama ang mata ko sakanila ay tumahimik sila.

Chasing my Wildest Desire Where stories live. Discover now