“Bakit ngayon ka lang?” si Joy.
“Ah pasesnya na, may inasikaso pa kasi ako kaya medyo natagalan...” She rolled her eyes.
“Hindi ko pala nasabi sa'yo na bawal ang umarte dito. Kapag oras ng trabaho, dapat andyan agad. Wala akong pakialam sa personal reason mo, magbihis kana roon.”
Tumango ako. Napaubo pa ako dahil binugahan niya ako sa mukha ng sigarilyo. Aalis na sana siya kaya lang may bigla siyang sinabi.
“Nga pala,” she started.
“Nung nakaraan, yung kay Chase, huwag kang mag assume na may gusto siya sa'yo dahil binigyan ka niya ng tip. Mabait lang yon, tsaka ayusin mo ang trabaho mo at huwag na huwag kang maging malapit sakanya. Natatandaan mo?”
Kunot noo akong tumango. Wala naman akong planong maging malapit kay sir Chase, ah? Tsaka nagpasalamat lang naman ako sa tao kasi binigyan niya ako ng malakin halaga, masama ba iyon?
“At...” she trailed off.
“Huwag tatanga-tanga sa trabaho. Kapag tumanggi ka sa perang binibigay sa'yo malaking kawalan 'yon. Gawin mo kung ano ang hinihingi sa'yo....”
“Naiintindihan mo?” tumango ako kahit walang maintindihan.
Kahit na naguguluhan ay hinayaan ko na lamang siya. Pagka pasok ko sa fitting room ay nandoon din si Sakura at Elena, nag-aayos.
“Oh, Bree! Andyan kana pala. May pulang lipstick kaba diyan?” si Elena.
“Wala eh, hindi kasi ako nag lilipstick.” Nahihiya kong tugon. Sabay silip ko sa bag ko na tanging lipgloss at pinanglumaan ni Trisha na make up ang naroroon. Nakakahiya naman mag offer kapag luma na.
“Oh talaga? Bongga ka talaga girl! Ang pula-pula ng labi mo, hindi ka nag lilipstick?” sabay silang tumawa.
Napakamot nalang ako sa ulo. Si Sakura ay nakabihis na, samantalang si Elena ay naka backless dress at bihis na bihis. Nagtataka tuloy ako.
“Saan punta mo?” I asked.
“May session 'yan! Sana all nga eh, ako kaya when?” humagikgik si Sakura.
“Session?” Sabay ulit silang napatingin sa isa't-isa.
“Sabihin mo nga sa amin, Bree... Hindi mo ba alam kung anong klaseng trabaho ang pinasok mo?” takang tanong ni Elena.
Kunot noo naman akong umiling.
“Ay lagot, si Gado siguro ang nag bigay sa'yo ng trabaho, ano?” Umiling ako. Hindi ko alam. Hindi ko kilala.
“Teh, yung tip na sinasabi namin, may kapalit 'yon! Oh bakit, may nag bigay na ba sayo ng tip?” tumango ako.
“Huh? Kahapon? Sino?” si Sakura.
“Si sir Chase ba?” tumawa sila pareho. Tumango naman ako.
“Sabi ko sa'yo mabait lang yun... Wala siyang ibang intensyon.” si Elena.
“Teka, teka! Ano ba ang ibig niyong sabihin? Saan ang punta mo? Anong session?” Litong-lito ko ng tanong.
“Teh klaro naman siguro sa'yo kung bakit ganto ang suot natin hindi ba? Oh, ayan nakita mo na madaming mga sasakyan ang nag papa car wash dito. Lahat 'yan sila may pang sariling kagustuhan. At kapag binigyan ka ng tip, that's explain it.” Paliwanag ni Sakura pero hindi ko padin na uunawaan.
YOU ARE READING
Chasing my Wildest Desire
RomanceIs it really possible to be still in love with a person who completely destroyed your life? Started: 11/13/22 Ended: --