Chapter 5

34 6 0
                                    

And his wish was commanded. The rain was pouring loudly even though his unit was at the top of this building.


Panay ang tingin ko sa oras dahil alas 'dos na ng umaga kami natapos sa shoot. Naisali na din sa oras ang pag edit niya kaagad ng pictures dahilan na maaga akong makakapasa ng final shoot kay mrs. Ferrer. Chase is done on critiquing my shoots, and what he was doing now was all related on his work.


Habang ako naman dito ay tahimik na hinihintay ang pag alis ng ulan dahil kailangan kong umuwi dahil sa kapatid ko. Alam kong natutulog na iyon ngayon pero hindi ko pa rin mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.



"Wala na bang masasakyan ng ganitong oras pauwi?" tanong ko sakanya.


"It's 2 am in the morning, Bree. Umuulan rin, kaya wala na." napakagat ako sa labi ko.


Nag-aalala talaga ako kay Enzo at baka napaano na 'yon. Madalas ko siyang iniiwan pero hindi umaabot sa mga ganitong oras.


"Stop biting your lips, ihahatid na kita." lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya!



Busy siya pero kailangan ko talagang umuwi. Pinanood ko siya hanggang sa matapos niya ang ang kanyang ginagawa, nagsuot ulit siya ng panibagong hoodie dahil nasa akin parin ang jacket niya. Inabutan niya din ako ng payong.


"Shit it's raining hard." rinig kong bulong niya.


Umirap ako ng patago. Gustong-gusto kong sabihin na kasalanan niya 'to dahil narinig kong hiniling niya na sana ay umulan pero siyempre hindi ko sinabi.



Nasa loob na kami ng sasakyan niya pero halos hindi kami maka alis alis kaagad dahil sa sobrang lakas ng ulan. Kinabahan kaagad ako. Inabala ko pa talaga siya para lang maihatid ako.



The ride didn't take long. Kahit pa umuulan ng malakas ay natalo 'yon ni Chase dahilan ng makauwi ako kaagad. It's really raining so hard. Ang mga puno sa kalye sa amin ay natumba na dahil sa malakas na hangin. Tamang tama din ang dating namin ng mamatay ang mga ilaw dahil sa brownout.


I heard him sighed.


"I'm sorry for making you stay at my condo for hours. Your brother must be worried about you..." umiling ako kaagad.


"Ulan yung may kasalanan, hindi ikaw." kahit na hiniling mong umulan.


He didn't answer me. Tumingin ako sa kalagayan sa labas at sobrang dilim nga na at malakas pa ang ulan saka hangin. He open the door for me. Naka abang din sa akin ang payong na bigay niya kanina. Pinasalamatan ko naman siya kaagad.


"A-Ah masyado pang malakas ang ulan... Saka maraming mga puno na nakasagabal riyan sa kalye. Hindi kita pipigilang umuwi pero mas magiging mapanatag ang loob ko kapag dito kana muna magpalipas ng dilim habang lumalakas pa ang ulan."


His eyes puzzled. It went big and amazed at the moment. Nasaksihan ko rin ang maliit na namumultong ngiti niya sa kanyang mga labi.


"I won't waste your concern on me. And apparently, my gas was running down. So..."



Aniya na tila ba nag aantay lang siya ng boses kong lumabas para sabihin 'yon. Bumuntong-hininga ako nang tuluyan ng makapasok sa bahay at naabutang mahimbing ang tulog ng kapatid ko sa sala. Hinintay niya nga ako, pero laking pasasalamat ko na wala namang nangyaring masama sakanya.


Chase open his flashlight for me. Binuhat ko si Enzo papunta sa kwarto namin. Nag offer siya na siya na ang magbubuhat sa kapatid ko pero hindi ako pumayag. Siyempre! Ang yaman-yaman at tila yata hindi pa siya nakabuhat ng isang galon ng tubig tapos papabuhat ko lang si Enzo sakanya?


Chasing my Wildest Desire Where stories live. Discover now