Tara kape...
Kape, para sa mga taong siglebitter d'yan sa tabi-tabi.
Huwag kang tumanggi,
Buti pa nga itong kape nasa iyong tabi at walang sinasabi, habang ikaw sinasariwa ang lahat sa isang tabi.
Sa pagtitimpla ng kape dapat ang timpla ay suwabe,
Hindi kulang o sobra ang lasa,
Para maenjoy ang magandang umaga.
Ihalintulad natin ang kape,
Don sa gusto natin makatabi.
Don sa taong hinahanap natin tulad ng kape sa umaga maging sa hating gabi,
Don sa taong kulang nalang buhusan ng mainit na kape, kahit para sa hinanakit na hindi masabi.
Hindi naman sa ika'y pinipilit, pero... Sobra ka naman mapagkait.
Buti pa nga yung tinapay may kasamang kape,
Samantalang ako, heto at tamang nagpaparinig sa isang tabi.
Talaga naman ika'y mapapasabi nang kung ano-ano at mapapainom nalang ng kape.
Muli, tara kape.
Para sa mga SINGLE BITTER d'yan sa tabi-tabi!
—1reallaoan
BINABASA MO ANG
Mga Munting Tula
Poesia#MgaMuntingTula Sa bawat Pahina may iba't ibang nakapaloob na Tema. 1. Guro 2. Hugot 3. Pagkabigo Part I 4. Pagkabigo Part II 5. Kaibigan Part I 6. Plano ng Panginoon Part I 7. Plano ng Panginoon Part II 8. Kape 9. Yelo 1o. Kahibangan 11. Buwan, Aki...
